^

Bansa

Unang P1,000 pension pwede nang kubrahin - SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maari nang kunin nga­yong Biyernes, ?Marso 3 ng mga pensioner ng Social Security System (SSS) ang unang bugso ng P1,000 pension para sa buwan ng Enero sa kani-kanilang bank accounts.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, nailabas na ng SSS ang ?P2.04 bilyon pondo para sa mahigit 2.04 milyong pensyonado na makatatanggap ng karagdagang P1,000 benepisyo.

“Malugod naming ibi­nabalita sa aming mga pensyonado na ang karagdagang P1,000 benepisyo para sa buwan ng Enero 2017 ay maaari nang i-withdraw sa kanilang bank accounts.

 Samantala, ang mga karagdagang benepisyo para sa buwan ng Pebrero at Marso ay matatanggap sa mga susunod na Biyernes ng Marso (10 at 17),” sabi ni Dooc.

Ang karagdagang P1,000 benepisyo para sa mga pensyonado ay inaprubahan ni Pangulong Duterte noong Enero 10 samantalang ang pormal na direktiba upang ipagkaloob ang pensyon ay pinirmahan noong Pebrero 22.

Lahat ng retirado, survivors, permanent and partial disability pensioners ay makatatanggap ng P1,000 karagdagang benepisyo. Maging ang mga bagong pensyonado ay makatatanggap din ng karagdagang benepisyo. 

Tinatayang aabot sa halos P6.9 bilyon ang inilaang halaga para sa karagdagang P1,000 benepisyo para sa unang tatlong buwan ng taon. Ito ay karagdagan sa P7.4 bilyon na inilalabas kada buwan simula noong Enero 2017 para sa regular na pensyon.

vuukle comment

EMMANUEL F. DOOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with