^

PSN Showbiz

Emote nina Maja at Paulo bumenta na! rufa mae isang ninong lang ang type sa anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakaka-impress ang box-office performance ng pelikulang I’m Drunk, I Love You nina Maja Salvador at Paulo Avelino.

Napanood namin ang naturang pelikula nitong weekend at punung-puno ang sinehan sa Trinoma.  Sold-out ang lahat na screening, pero naka-slide ito sa isang foreign film. Nakaka-impress din ang magaling na portrayal ng pangunahing bida pati na ni Dominic Roco.

Dahil maganda ang pelikula, inaasahang lalo pang lalakas ito na pinu-promote sa social media ng millennials.

PAK: Sobrang nahirapan daw si Rufa Mae Quinto sa panganganak niya sa first baby nila ng asawa niyang si Trevor Magallanes.

Caesarian pala ito dahil napakalaki ni Baby Alexandria na may timbang na 8.3lbs.

Kaya sabi ni Rufa Mae, matatagalan pa raw ang pagbabalik showbiz niya dahil naka-focus siya sa pag-aalaga ng baby at magpapayat pa raw siya nang bonggang-bongga.

Gusto raw muna nila ng asawa niyang si Trevor na ayusin ang bahay na lilipatan nila bago siya bumalik sa pag-aartista.

Napagkasunduan na raw nila ni Trevor na dito na sila manirahan dahil gusto raw nilang dito palakihin ang kanilang Baby Alexandria.

“Gusto namin palakihin ang anak namin dito, kasi siyempre, iba pa rin ‘yung values at culture ng Pilipino. Siyempre iba ang America sa ano…siyempre gusto namin matutong mag po at opo. Marunong mag-tagalog, mag-Kapampangan, bago siya mag-English,” natatawang pahayag ni Rufa Mae kamakalawa ng gabi nang nakapanayam namin siya sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Sa May na raw nila pabibinyagan ang anak at baka isang ninong lang daw ang kukunin nila at ang iba ay mga ninang na.

BOOM: Isa si Arnell Ignacio sa naghahamon kay Jim Paredes na magharap sila sa isang debate. Ipinagtanggol ng actor/TV host ang walong miyembro ng Duterte Youth na pumunta sa EDSA People Power anniversary nung nakaraang Sabado.

Hindi raw dapat ginawa iyon ni Jim sa kanila, dahil wala naman daw kalaban-laban ang mga naturang kabataan.

Ang gustong iparating ni Arnell kay Jim: “Magrespetuhan lang. Huwag mong isiping porke siya ay pumunta doon ay binabastos ka niya. Di ba ‘yun ang sinasabi kasi nila, ‘bakit kayo nandito?’ Bakit naman hindi?

“Hindi nila puwedeng sabihin ‘yun eh. May mga nagsa­sabi ring pinu-provoke. Ngayon, dahil garantisado ang iyung karapatan na nandiyan ka, kung anong naramdaman mo dahil sa kanilang prisensya eh ayusin mo ‘yung sarili mo. Hindi ka dapat pumatol sa ganun dahil pareho lang kayong may karapatan na magsabi ng inyong opinyon whether ito ay magkakontra o magkasundo.

“Kung ano ‘yung reaksyon mo dun, dun susukatin ‘yun, Hindi mo puwedeng sabihing huwag ka dito porke’t ang iyong paniniwala ay kontra sa paniniwala ko. Hindi puwede ‘yung ganun.”

vuukle comment

MAJA SALVADOR AT PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with