^

Pang Movies

Kylie at Aljur malabong ikasal?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Apat na buwan na pala ang dinadala ni Kylie Padilla. Maliwanag iyan dahil sinabi na rin nilang sa July na siya manganganak. Mukhang nagpa-scan na siya, kaya alam na rin niya na isang baby boy ang kanyang isisilang, at sinasabi pang ang gusto nilang ibigay na pangalan sa kanilang magiging anak ni Aljur Abrenica ay Joaquin.

Ok naman iyon, dahil maliwanag na nagtutu­lungan naman sila ng ama ng kanyang anak. In the first place bago pa pala naman lumabas iyang mga balitang iyan ay talagang nagsasama na sila. Pero ang tanong nga ay wala ba silang balak na magpakasal?

Palagay namin pagdating sa usapang iyon ay magkakaroon ng problema.

Muslim kasi si Kylie. Ang natatandaan namin niyakap din niya ang Islam noong maging Muslim ang tatay niyang si Robin Padilla. Kahit na nga ginagamit pa rin ni Robin Padilla ang kanyang Christian name, Islam ang kanyang pina-practice na pananampalataya ayon sa kanya. Hindi rin namin alam kung nasaan ang cross over sa pagiging isang Muslim at isang Kristiyano.

Anyway, siguro kung magpapakasal nga sila, as a compromise, maaari na lang silang magpakasal sa sibil. Kung hindi naman, magpapakasal sila bilang Kristiyano, tapos pakakasal din sila sa Muslim.

Pero huwag na muna natin silang pa­ngu­nahan, dahil sa ngayon ay mukhang wala pa silang planong kahit na ano sa pagpapakasal. Hindi nababanggit iyon eh.

Mga artista sa Panagbenga taob sa mga naka-bahag na muscle men

Last week, panay ang yaya ng mga kaibigan namin sa Baguio dahil sa taunang Panagbenga festival. Pero naisip namin, gaano nga ba kalala ang traffic sa Baguio? Gaano nga ba kasikip sa buong city dahil iyan ang panahon na napakaraming turista talaga. Kaya naisip namin na huwag nang sumama.

Nagkukuwento sila, ang dami raw artista sa Baguio. Lahat daw ng networks ay may kanya-kanyang float para mai-promote ang kanilang mga TV show. Sinasabi naman nila na ang mukhang talagang click sa Baguio ay iyong tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pinaniniwalaan namin iyan dahil ang nagkuwento sa amin ay hindi tauhan ng networks at hindi press release iyon.

Pero maski sila ay nagsasabing parang natabunan nga raw ang mga artista dahil doon sa gimmick ng mga muscle men na sumama sa parada na nakasuot ng traditional Igorot costume.

Nakabahag ang mga masculado at poging mga participant.

Mapapansin din ninyo sa social media, marami talagang nag-post ng mga picture nila, at iyong posts sa mga pictures ng artista ay karaniwang galing sa mga network.

Jim may malalim na hugot sa EDSA

Dahil sa controversy ni Jim Paredes, naungkat pa na ang nanay niya ay nakasama doon sa Light a Fire Movement, naging supporter ng mga subersibo noong panahon ng martial law, nakulong at nahatulan ng death sentence, at isa pala sa binigyan ng amnesty ni Cory Aquino noong maging presidente.

Dahil doon, kaya pala ganyan na lang ang tingin ni Jim Paredes sa nangyaring EDSA revolution, dahil kung wala iyon, hindi ka nakasisiguro kung naipataw ang death sentence sa nanay niya.

 

vuukle comment

KYLIE AT ALJUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with