^

Kutob

Pebrero 27, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang maitatago sa ating Manlilikha, kahit pinakasulok na intensiyon ay malinaw sa kanya. Hindi ako mawo-worry, siya ang aking Tagapagtanggol.

PISCES  (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailanman nakakabuti ang mabuhay sa pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at Beige.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang akalang kay-hirap gawin kapag nasimulan ay hindi pala ganoon kahirap. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikitang magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at Orange.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag mag-alala dahil anuman ang gawain ay tiyak na maganda ang magiging resulta. Iwasan ang magtaray dahil sa halip na maging kaibigan ang makakasalamuha, makaka-away mo pa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 45 at Green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Pinagpaguran mo ang lahat ng ano mang mayroon ka, ang proteksyon at pag-aalaga ay pagtuunan ng pansin. Huwag magpadala sa emosyon nang pangungulila para hindi lumayo ang suwerteng tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at Violet.

CANCER  (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may kaunting problemang dinaranas. Matutuwa pa nga siya dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto. Sabihin kung ano ang gusto at tiyak mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at Yellow.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Marunong ka ngayon makisama at makibagay. ‘Yan ang gusto ng mga kaibigan, kasamahan o kasambahay. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang iyong magiging kaibigan. Panahon ng pagbabago ng ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at Red.

VIRGO  (Agosto 23-Setyembre 23) – Isiping mabuti kung ano ba ang nais gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Isa-isahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang gusto ng kalooban. Konsultahin ang minamahal, kaibigan o kasambahay tungkol sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at Neon Green.

LIBRA  (Setyembre 24-Oktubre 23) – Mapagtatanto kung gaano nagmukhang tanga nitong mga nakaraang araw, na natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Maaaring ang hindi nakakatakot sa iba ay kabaligtaran naman ang dating sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at Blue.

SCORPIO  (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Pairalin ang utak hindi ang emosyon. Bagamat oo, sa pag-ibig ay higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso, mahalagang malaman kung sa anong paraan parehong gumagana ito. Dapat alamin kung paano ang puso at ang isip ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at Brown.

SAGITTARIUS  (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Manatiling kalmado. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi magandang resulta. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang lahat ng suliranin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at Strawberry Red.

CAPRICORN  (Disyembre 22-Enero 19) – Isang magandang balita ang matatanggap na tiyak magpapasaya sa buong maghapon. Magiging magaan at maaliwalas ang pakiramdam. Nang dahil dito maraming mahalagang bagay ang matatapos. Maaaring yayain ka ng mga kaibigan na dapat hindi paunlakan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at Burgundy.

AQUARIUS  (Enero 20-Pebrero 18) – Pinakamabisang paraan upang mapaglabanan ang takot ay ang magkaroon ng positibong isip, na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta ng ano mang ginagawa o gawain. Anumang hamon ang darating ay kayang harapin kung positibo ang isipan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at White.

 

 

vuukle comment

MANLILIKHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with