^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, sinaksak ang sarili upang makapag-absent sa trabaho

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA tindi ng kagustuhang makatakas mula sa trabaho ay sinaksak ng isang lalaki sa Japan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng dahilan upang umabsent.

Sinaksak ng 54 anyos na si Masaru Miura, taga-Kasugai City ang kanyang hita habang siya ay nasa banyo ng isang subway station noong Miyerkules ng umaga.

Pagkatapos ng pagsaksak sa sarili ay nagpunta si Miura sa kalapit na istasyon ng pulis upang i-report ang diumano’y “pananaksak” sa kanya ng isang hindi niya nakilalang lalaki.

Namalagi muna si Miura sa istasyon habang hinihintay niyang magamot ang kanyang sugat kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga pulis na mag-usisa ukol sa nangyaring pananaksak.

Noon na umamin si Miura sa mga pulis na siya mismo ang sumaksak sa kanyang hita upang magkaroon siya ng dahilan para umabsent sa trabaho.

Nakapulot daw siya ng kutsilyo sa subway station noong umagang iyon kaya naisipan niyang saksakin ang sarili upang makatakas sa matinding stress na nararanasan niya sa kanyang trabaho. Agad namang inaresto si Miura matapos ang kanyang pag-amin dahil sa ginawa niyang panggugulo sa tungkulin ng mga pulis.

Pangkaraniwan na ang mga balita sa Japan ukol sa mga empleyadong labis na naapektuhan ng matinding stress mula sa kanilang trabaho.

Kaya naman pinag-iisipan na ng mga kompanya roon na gawing tatlong araw na ang weekend lalo na noong mapabalitang nagpakamatay ang isang 24 anyos na babae matapos itong mag-overtime ng 100 oras sa loob lamang ng isang buwan.

vuukle comment

MASARU MIURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with