^

PSN Showbiz

Yassi sinusuwerte na

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpirma niya para maging Kapamil­ya, hindi mapigilang maging masaya ni Yassi Pressman na umaasang mas magaganda pang proyekto ang ipagkakatiwala sa kanya ng network. ‘Yung hindi pa siya Kapamilya ay ginawa na siyang leading lady ni Coco Martin sa matagal nang tumatakbong serye na FPJ’s Ang Probinsyano, ngayon pa kaya siya pababayaan?

Sa pagpirma niya sa Kapamilya, nabig­yan din si Yassi ng tsansa na ma­ka­sama sa pili­an ng posibleng maging Darna. Unti-unti nang na­wawala sa listahan si Angel Locsin bagaman at bago ang pagkakaroon nito ng diperensya sa spinal column ay siya na talaga si Darna.

Humahaba na ang listahan ng mga pwedeng gumanap ng role. Swerte ni Yassi na kasama siya sa pilian. Pero suntok sa buwan pa kung mapapalitan si Angel. Wala pa ring alok kay Yassi at sa maraming kabataang artistang babae na umaasam ng role, pero ngayon pa lamang ay masaya na ang bagong recruit ng ABS-CBN na ma-consider for the role.

Piolo takot makasama ulit si Toni

May follow-up na ang matagumpay na unang pagtatambal sa pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again. Nagkaroon na ng storycon para sa movie nila na ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Kung si Toni ay excited sa muling pagsasama nila ni Piolo, may kaba naman na hindi maipaliwanag ang aktor. Takot kaya ito na baka hindi kasing init ang magiging pagtanggap ng manonood sa second project nila ni Toni?

Maine at Nora hindi magka-level

Sana ay hindi padadala sa sulsol si Maine Mendoza at huwag nang magsa­lita ng hindi maganda tungkol sa Superstar na si Nora Aunor, kahit bilang paggalang na lamang dahil mas nakatatanda itong artista sa kanya at nakagawa na ng pangalan sa industriya ng pelikula.

Hindi naman kasi porke mas marami siyang endorsement kaysa kay Nora ay mas magaling na siya rito. At pwede nang maikumpara ang kanyang sarili rito na gaya ng gustong palabasin ng mga tagasubaybay niya. Maaring pareho silang artista ng Superstar, pero ‘yun lamang ang pagkakatulad nila. Magkaiba ang landas na tinatahak nila.

Maja pinagsawaan agad?!

Nakatulong din pala ang pag-iingay lalo na ni Paulo Avelino dahil naibalik sa sinehan ang peli­lkula nila ni Maja Salvador. Mula sa 60 sinehan 73 na ang mapapanooran ng I’m Drunk I Love You na maganda naman ang reviews, pero sumemplang sa takilya. Kailangan pa rin ang patuloy na pag-iingay niya para mai-promote ang pelikula at suportahan ng manonood kundi ay baka nawala ulit agad ito.

Saan kaya nagkamali ang pelikula? Baka naman kulang sa promosyon? O baka naman nasapawan ito ng serye na ginagawa ni Maja sa ABS-CBN na Wildflower? Yun kasi ang problema ng mga artistang sunud-sunod na lumalabas sa mga serye, ayaw na silang panoorin sa big screen.

 O bakit hindi nila tanggapin na talagang mahirap katapat sina Enrique Gil and Liza Soberano sa My Ex & Whys na mahigit P200 million na raw ang kinikita hanggang sa mga oras na ito.

 

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with