^

PSN Showbiz

Lloydie nagsalita sa balikan nila ni Angelica at landian nila ni Ellen

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Walang balikan kina John Lloyd Cruz at lalong hindi sila ni Ellen Adarna.

In a nutshell, ito ang naging sagot ng actor sa dalawang nabanggit na isyu na sangkot ang pangalan niya.

Umere ang sagot ni John Lloyd sa Tonight with Boy Abunda the other night.

Nakitang magkasama sa Art Fair  2017 last week ang mag-ex na sina JLC at Angelica habang pinag-suspetsahan naman na may landiang nagaganap sa kanila ng sexy star na kasama niya sa Home Sweetie Home.

Samantala, isa si Lloydie sa ma artistang naniniwalang kailangang ituloy ang peace talks na sinuspendi ni Pres. Digong kamakailan. 

Sexy star na kabibili lang ng bahay, nagpapa-rescue sa pulitiko

Uy parang parang nagpapa-rescue ang sexy star na balitang kabibili lang ng bahay at lupa.

Tinawagan daw nito recently ang isang pulitiko na minsan nang nagpakita ng interes sa sexy actress. Pero nagpa-hard to get ang sexy star noon na alaga ng isang network. Pero dahil bumili nga ng bagong bahay at lupa, mukhang bibigay na ito sa pulitikong madatung.

Russian artist naka-first time sa CCP

Ang Russian writer and artist pala na si Natalya Bronzova ang kauna-unahang Russian visual artist na nagkaroon ng exhibit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na nagbukas noong February 10, 2017.

Titled From Russian Soul With Love, dinaluhan ang opening ng exhibit ng mga bigating personalidad kabilang na si Russian Ambassador Igor A. Khovaev, President of CCP Dr. Raul Sunico, Ms. Jewel Lobaton Pimentel and Cory Quirino.

Matagal na sa bansa si Natalya at isa ang Pilipinas sa mga itinutu­ring niyang second home.

Bukod sa mga pinakita niyang mga obra, nakapagsulat na rin siya ng libro niya kabilang na ang Philippines: The Country of Kindness and Gratitude, Imelda Marcos, a personality today , The Doctor’s Path at iba pa.

At super idol pala ni Ms. Natalya si dating First Lady Imelda Marcos.

Matagal na niyang nakilala si Mrs. Marcos at naging kaibigan na rin kaya madalas na silang nagkakasama. Sayang nga lang at hindi namin nakita si Mrs. Marcos sa opening ng exhibit niya.

Bukod sa pagiging artist, film director din siya at historian. Kasama sa mga trabaho niya bilang director ang Art Changing Life, isang 60 minutes feature documentary on the philosophy of art na ipinalabas sa Moscow Film Festival sa Russia noong 2010.

Thank You Gems…

Salamat naman po sa Guild of Educators, Mentors and Students (GEMS) – Hiyas ng Sining sa  pagwawagi naming  (Best Showbiz Editor) sa kanilang kauna-unahang GEMS Awards na gaganapin sa March 1, 2017 sa Laguna BelAir Science School, Santa Rosa, Laguna, 5:00 p.m.

Ang GEMS ay isang bagong tatag na samahang binubuo ng mga akademisyan mula sa isang iba’t ibang eskuwelahan, mga propesyonal galing sa mga private institutions at sector  ng lipunan at mga estudyante ng ilang prestigious colleges and universities.

Ayon kay Mr. Norman Mauro Llaguno (Laguna BelAir Science High School), ang layunin nila ay magbigay ng pagkilala at karangalan sa mahuhusay na alagad ng sining sa larangan ng panulat, entablado, radio, television at pelikula.

                             

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with