^

Probinsiya

Municipal planning officer, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napaslang ang isang inhinyero na tumatayong muni­cipal planning and development officer matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Jiabong, Samar kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Engineer Dan Daradal, dead -on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame,  naitala ang krimen bandang alauna ng madaling araw.

Lumitaw sa imbestigasyon na bigla na lamang pumasok ang apat  na armadong kalalakihan sa bahay ng biktima.

Nang makapasok ay kinaladkad pa ang biktima palabas ng kaniyang bahay kung saan dinala sa likuran ng bakuran saka pinadapa. 

Sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ng biktima ay hindi ito pinakinggan ng gunmen saka isinagawa ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ang baril habang sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang pamamaslang.

vuukle comment

DAN DARADAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with