^

Dr. Love

Forced marriage

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinasya ko pong sumulat para ikonsulta ang aking problema sa pag-ibig at upang humingi na rin ng payo sa inyo.

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Agnes, 23 anyos at may asawa. Nagpakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal dahil pinilit lang ako ng aking ama bilang pambayad sa kanyang pagkakautang.

 Sugarol ang ama ko at nang matalo siya at walang pambayad, ipinangako niya sa lalaking tumalo sa kanya na ipakakasal niya ako sa kanya. Tatlong taon na ang nakararaan.

Matapang at brutal kasi ang aking ama at wala sa aming magkakapatid ang puwedeng tumutol sa kanya. Sunud-sunuran lang ang nanay ko sa kanya.

Naanakan ako ng asawa ko kahit sa aming pagtatalik, ni minsan ay hindi ako nasiyahan. Ka­baliwan ang relasyong ito. Dapat ko pa bang ituloy ang relasyong ito?

Agnes

Dear Agnes,

Sa ilalim ng ating batas, mabigat na rason iyan para mapawalang bisa o ma-annul ang iyong kasal.

Bagamat hindi ako pabor sa paghihiwalay, kakaiba ang kaso mo dahil pinilit kang magpakasal  na labag sa iyong kalooban.  Kumunsulta ka sa isang abogado tungkol sa annulment. Medyo may kamahalan iyan ngunit walang ibang paraan para lumaya ka sa piling ng lalaking hindi mo minamahal.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with