Field trip ‘ban’ tinutulan
MANILA, Philippines - Mariing tinutulan ni Albay Rep. Joey Salceda ang mga panukalang ipagbawal ang mga educational field trips sa mga estudyante.
Paliwanag ni Salceda, hindi ang field trip ang pumatay sa 15 limang indibidwal mula sa Bestlink College sa Tanay, Rizal kundi ang palpak na road safetiness sytem sa bansa.
Dahil dito kaya pinatutukan ng kongresista sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road safety sa bansa, mas mahigpit na pagbibigay ng LTO ng mga lisensya hindi lamang sa bus drivers kundi sa iba pang mga motorista; at vehicle roadworthiness na kailangan bantayan ng LTFRB.
Higit sa lahat, sinabihan ni Salceda ang Department of Education at CHED na palakasin ang control mechanisms and monitoring systems para sa field trips upang maiwasan ang anumang hindi makatwiran o sobra-sobrang bayarin.
Kaugnay nito, magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa malagim na field trip ng Bestlink College matapos bumangga sa isang poste ang sinasakyan nilang bus sa Tanay.
- Latest