^

PSN Showbiz

Erich at Daniel nagkaayos alang-alang sa raket sa US

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sariwa pa ang break-up ng dating magkasintahang Erich Gonzales at ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga pero bago pa man lumala ang sitwasyon ay ipinatawag ang dala­wa ng Star Magic para ayusin ang kanilang problema na humantong sa kanilang paghihiwalay lalupa’t meron silang show na magkasama sa Amerika.

Imposible nga namang mag-iwasan ang dalawa dahil nasa isang TV network sila. Ang nakakapanghinayang lamang, they were so in love sa simula na nauwi lang sa hiwalayan. Ganunpaman, umaasa ang namamahala sa respective career nina Erich at Daniel na kung hindi man magkabalikan ang dalawa ay mapanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan. Naniniwala naman ang marami na baka mag-reconcile ang dala­wa dahil may panahon silang mag-usap nang masinsinan da­­hil sa mahabang biyahe pa-Amerika at pabalik ng Pilipinas.

Angel at Marian puwedeng magsama sa pelikula

Bibihirang pagkakataon na nagkasama sa isang cover ng isang glossy magazine ang dalawang stars na parehong nagbida sa classic fantaserye na Darna - sina Angel Locsin at Marian Rivera. Ang dalawa ang nasa cover ng ika-25th anniversary issue ng high end Mega Magazine na ikinatuwa ng mga tagahanga ng dalawa.

Dating Kapuso star si Angel na siyang nagbida ng iconic character na Darna in 2005. Nang lumipat si Angel sa Kapamilya Network, muli itong binuhay ni Marian sa GMA in 2009.

Matagal na ring napapabalita ang paggawa ni Angel ng Darna movie sa bakuran ng Star Cinema pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito matuluy-tuloy laluna nang magkaroon ng back ailment si Angel.

Eh kung pagsamahin kaya sila sa bagong edition ng Darna?

Fans nakukulangan pa sa relasyon nina Alden at Maine!

Ngayong February 27 na magsisimula sa ere ang kauna-unahang primetime TV series ng rumored sweethearts at phenome­nal pair na si Alden Richards at Maine Mendoza, ang Des­tined to be Yours na pinamamahalaan ni Irene Villamor.

Hindi ikinakaila ni Maine na kabado umano siya sa pagsisimula ng serye nila ni Alden lalupa’t malaki ang expectation ng publiko. Pero in-assure ni Maine ang mga manonood that she did her best para mapasaya ang mga tagasubaybay nila ni Alden.

Samantala, hanggang ngayon ay tila bitin pa rin ang fans nina Alden at Maine pagdating sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with