^

Bansa

Debate sa death penalty tatapusin na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Senyales na umano ng railroading ang banta ng mayorya na tapusin na ang debate sa death penalty bill.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ipinahihiwatig na ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang railroading sa pag-apruba sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan 

Ginawa ni Fariñas ang banta na tatapusin na ang debate sa nasabing panukala matapos mapikon sa paulit-ulit na pagkwestyon sa quorum ng anti-death penalty congressmen noong Miyerkules.

Para kay Lagman, mistulang Diyos ang liderato ng Kamara kapag ito ang gumagamit ng rules sa plenary proceedings.

Subalit nagiging maselan umano kapag ang mga taga oposisyon naman ang nag-iinvoke ng rules.

Ang tinutukoy ni Lagman ay ang kanyang mosyon na mag-adjourn na ang sesyon noong Miyerkules dahil sa kawalan ng quorum kung saan humirit siya ng nominal voting pagkatapos ng viva voce.

Dito rin iginiit ni Fariñas na base sa rules ay maaari ng pagbotohan ang isang panukala kapag mayroon ng tatlong nagsalita na pabor at 2 tutol.

Samantala, sa Lunes ay magpapatawag ng caucus sa supermajority si Fariñas dakong ala ?1:30 ng hapon para pag-usapan kung tatapusin na nila ang debate sa House bill 4727 at pagbotohan na para sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala.

vuukle comment

EDCEL LAGMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with