^

Punto Mo

Earthquake drill, seryosohin ng publiko

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAPAKARAMING kaganapan sa Pilipinas na kumukuha ng atensiyon sa publiko.

Halos araw-araw ay may nagaganap na patayan at iba pang balita sa pulitika na napagtutuunan ng pansin ng ilang  mamamayan.

May ilang kababayan naman natin na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid dahil ang prayoridad ay ang paghahanapbuhay.

Pero anuman ang pinagkakaabalahan natin, hindi dapat balewalain ang mga preparasyon sa posibleng pagdating ng kalamidad.

Isa rito ang paghahanda sa posibleng pagtama nang malakas na lindol dito sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na tinaguriang “The Big One”.

Nagsagawa na ng earthquake drill ang gobyerno na nilahukan ng iba’t ibang sektor pero tila tumatamlay dito ang publiko kapag lumipas na ang isyu ng lindol.

Sa naganap na magnitude 6.7 na lindol sa Surigao noong nakaraang linggo na ikinamatay ng walong katao at daang nasaktan o naapektuhan ay muling nabuhay ang isyu ng paghahanda sa kalamidad.

Pero makalipas ang ilang araw, nakakalimutan na ang nasabing lindol at tila wala nang pakialam sa usaping ito.

Dapat ay seryosohin nang lahat ang mga kinakailangang preparasyon sa lindol at hindi dapat balewalain dahil walang nakaaalam kung kailan ito tatama sa Metro Manila.

Pangunahan ng gobyerno ang mas madalas na earthquake drill upang mahikayat ang publiko.

Dapat ay magkaroon din ang bawat indibidwal ng sariling paghahanda at tiyakin na ang buong pamilya ay handa sakaling maganap na ang kinatatakutang malakas na lindol.

vuukle comment

THE BIG ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with