^

Police Metro

2 pulis-Maynila tiklo sa pangongotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip sa entrapment operation ang dalawang pulis-Maynila na sangkot sa extortion sa mga motorista partikular na ang mga taxi drivers   ng binuong Counter Intelligence Task Force (CITF) ng Philippine National Police (PNP) sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Chi­quito Malayo ang nasakoteng mga suspect na sina SPO2 Rodito Magluyan at PO3 Rowel Candelario; pawang miyembro ng Manila Police District (MPD) Station 9.

Ang dalawang pulis ay nasakote kamakalawa sa kahabaan ng Quirino Avenue  kanto ng Mother Ignacia Street sa Malate,Manila.

Ang CITF ay binuo ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa kaugnay ng pagwawalis sa hanay ng mga scalawags sa pambansang pulisya.

Sinabi ni Malayo na ang dalawang pulis ay ina­resto matapos silang makatanggap ng report hinggil sa talamak na umano’y pangingikil ng mga ito sa mga motorista  na karamihan ay mga taxi drivers tuwing disoras ng gabi o madaling araw.

Inaresto ang mga ito sa aktong tinatanggap ang P250.00 mula sa poseur driver ng pulisya.

Dinala sa Camp Crame at maging ang marked money na narekober mula sa dalawang pulis kung saan lumitaw na positibo ang mga ito sa ultra violet powder.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery/extortion ang dalawang nasakoteng  mga scalawags na parak na patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

vuukle comment

COUNTER INTELLIGENCE TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with