^

Pang Movies

Chavit hindi raw nalugi miss u pwede uli idaos sa pilipinas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isang insider ang nagkuwento sa akin na hindi totoo ang pralala na nalugi si Papa Chavit Singson sa 65th Miss Universe.

True raw na gumastos si Papa Chavit ng US$15 million para maidaos sa ating bansa ang Miss Universe pero nabawi o mababawi rin niya ang kanyang mga ginastos.

Naniniwala ako sa testimony ng aking relia­ble source dahil mahusay na businessman si Papa Chavit at hindi ito susugal sa isang negosyo na alam niya na matatalo siya. At dahil hindi nalugi si Papa Chavit, may posibilidad na maging host country uli ang Pilipinas ng Miss Universe sa mga susunod na panahon.

Nanawagan ng pagkakaisa Jinggoy nagpadalaw sa kalaban sa pulitika

Nag-wonder ako nang dalawin ko sina Bong Revilla, Jr. at Jing­goy Estrada sa PNP Custodial Center noong Sabado dahil naabutan ko doon si Congressman  Ronnie Zamora at ang anak nito na si Francis na dating bise-alkalde ng San Juan.

Naging kalaban sa pulitika ni San Juan Ma­yor Guia Gomez ang mga Zamora noong nakaraang eleksyon kaya news para sa mga residente ng San Juan ang pagbisita ng mga Zamora kay Papa Jinggoy.

May explanation si Papa Jing­goy tungkol sa pagdalaw sa kanya ng mga Zamora:

“Unang-una, nais kong pasalamatan sina Cong. Ronnie Zamora, dating Vice Mayor Francis Zamora, Konsi Joy, Konsi Warren at si dating Konsi Totoy sa pagbisita sa akin noong Sabado rito sa aking kinalalagyan at pagbati na rin sa akin ng maligayang kaarawan bagamat sa Biyernes pa ang aking kaarawan.

“Pangalawa, marami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit ako pumayag na ako’y dalawin ng aming mga katunggali sa pulitika. 

“Ang sabi ko naman, why not? Anybody is welcome to visit me including my detractors!! 

Hindi po tayo benggador!! Ginamit ko na rin yung pagkakataon na ‘yun upang pag-usapan namin kung paano magkaroon ng pagkakaisa at hindi pagka-watak-watak ang aming mga kababayan. 
“Sa palagay ko naman, ‘yun din siguro ang inaasam ng karamihan ng mga taga-San Juan, ang PAGKAKAISA.

“Pangatlo, napag-usapan din namin ni dating VM Francis ang kanyang plano na magkaroon ng recall elections. Ang sabi ko sa kanya ay pag-isipan niyang mabuti ang kanyang gagawin sapag­kat lalong magkakahiwa-hiwalay ang ating mga kababayan. Kay Francis, sana ay mabigyan mo ng kahulugan ang aking mga payo sa iyo para magkaroon ng tunay na pagkakaisa ang ating lungsod.

“Marami pa kaming napag-usapan ngunit hindi ko na… para isulat pa. 

“Basta ang importante sa akin, magkaroon ng ma­payapa, pagkakaisa at pagmamahalan ang mga taga San Juan. 

“Dun sa mga sumusuporta sa mga Zamora, tulungan na lang natin si Mayora Guia at si VM Janella sa kanilang mga adhikain para sa ating bayan. At dun naman sa aming mga tagasuporta, ako’y personal na nananawagan na tulungan din natin si Cong. Zamora sa kanyang mga plano para sa ating bayan. At kung magagampanan natin lahat ang ating tungkulin para sa ating bayan, duon natin makakamit ang TUNAY na PAGKAKAISA!!” ang sabi ni Papa Jinggoy na hindi na nagpapaapekto sa mga intriga sa pulitika.

vuukle comment

PAPA CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with