^

Probinsiya

ABC president, itinumba

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Blanko pa rin ang pulisya sa pagkakapaslang sa presidente ng Liga ng mga Barangay sa bayan ng San Simon, Pampanga noong Sabado ng tanghali. Ayon kay P/Chief Insp. Charlmar Gundaya, hepe ng San Simon PNP, walang pagkakakilanlan sa riding-in-tandem gunmen na tumakas matapos pagbabarilin si Chairman Sonny Simbulan ng Barangay Concepcion. Base sa tala ng pulisya, bumibili ng makakain para sa tanghalian ang biktima nang biglang lapitan at ratratin ng mga gunmen. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at M16 rifle. Sa ngayon ay sinisikap pa ring makilala ang gunmen makaraang makakuha ng kopya ng CCTV camera  footage.

vuukle comment

CHARLMAR GUNDAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with