^

PSN Opinyon

Pulis na naman!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa naiisasakay ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato’’ dela Rosa sa C-130 ang 385 scalawags na pulis patungong Jolo, Basilan at Tawi-Tawi aba’y may kasunod na agad. Nahuli kamakalawa sina SPO1 Rodito Magluyan at PO3 Rowel Candelario ng MPD-Malate Police Station 9 sa aktong tumatanggap ng P500 sa isang pulis na nagpanggap na taxi driver nang isagawa ang intrapment operation sa Quirino Avenue corner Mother Ignacia Street, Malate, Manila. Kaya kandidato na sila ngayon na pangsagupa sa Abu Sayyaf, BIFF at Maute Group.  Malaking batik na naman ito sa Manila’s Finest­. Umasim tuloy ang sikmura ng ilang pulis sa naging kapalaran nina Magluyan at Candelario dahil lalong bu­maba ang pagtingin sa kanila ng madlang people.

Naging palabigasan na nina Magluyan at Candelario tuwing 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw ang mga motorista. Lumalabas na hindi tinatablan ang mga ito ng banta ni President Rodrigo Duterte at Dela Rosa na ipatatapon sa Mindanao. Kung sabagay ma­rami pa sigurong pulis ang nakatago pa sa kanilang uniporme sa ngayon subalit pasasaan ba ang kanilang katusuhan at pandarambong. Malalaman din ito ni Duterte at Dela Rosa. Mabalasik ang paglilinis ni Dela Rosa sa mga pulis dahil may basbas ito ni Duterte  na hindi ka­yang harangan.

Dalawa lang kasi ang pagpipilian ng mga scalawag na pulis: ma-assign sa kuta ng Abu Sayyaf at Maute Group o mag-resign sa pagka-pulis. Kaya ang payo ko mga Kuyang Pulis, umiwas na kayo sa mga semplang na gawain ng mapanatili ninyo ang inyong puwesto sa administrasyon ni Duterte. Dahil maging ang illegal gambling na gatasan na ng mga scalawag na pulis ay kasama na rin sa gigiyerahen ni De la Rosa, tiyak maraming pulis ang sasabit dito. Kasama na sila sa itu-tokhang at ipaparada sa madlang people. Samantala isang pulis na AWOL naman ang nabitag ni Chief Insp. Willy Sy sa isinagawang warrant of arrest operation laban kay Alfred Basilisa, alias Apeng sa may Hermosa Tondo kahapon ng madaling araw

Nakatakas si Apeng subalit nalambat naman si PO1 Ernesto Borleo matapos makuhaan ng isang sachet ng shabu. Hindi umobra ang pakikipagkikuyan ni PO1 Borleo na wala siyang kinalaman sa operasyon ni Apeng dahil nakunan nga sila ng shabu at drug paraphernalia sa katawan. Si Borleo ay dating naka-assign sa Regional Safety Batallion Unit kung kaya nang magpakilala siyang pulis ay agad siyang hinanapan ng mga dokumento ni Sy at nang walang maipakita, doon na siya sinuri at nakumpiska ang shabu at baril. Ang masakit nakapuga si Apeng na pangunahing target ni Sy ngunit nakumpiska naman ang halos P1 milyon halaga ng shabu at high powered firearm sa loob ng bahay. Pasasaan ba at madadakma rin si Apeng. Kilala ko si Maj. Sy pagdating sa trabaho.

vuukle comment

ROWEL CANDELARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with