^

Punto Mo

Basang payong

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG panahon na bumubuhos ang malakas na ulan sa Quiapo pero wala kaming payong kaya bumili kaming magkapatid ng tig-isang payong. Pagkagaling sa Quiapo ay pumunta kami sa isang mall. Malakas pa rin ang ulan nang dumating kami sa mall. Halos wala kaming madaanan papasok dahil maraming tao ang nakatambay malapit sa entrance. Halatang naghihintay na tumigil ang ulan dahil walang payong. Naisip ng kapatid ko na ipamigay na lang namin ang payong, tutal hindi na kami gagamit ng payong dahil may susundo sa amin. At saka, mahirap magbitbit ng basang payong sa loob ng mall. Bago pumasok, lumapit kami sa umpukan ng mga nakatayo sa may entrance.

“Sa inyo na lang itong payong, sinong may gusto?”, nakangi­ting tanong ng aking kapatid sa mga taong nakatingin sa amin.

Walang reaksiyon. Mga nakatunganga lang sa amin. Iniabot ng aking kapatid ang payong sa estudyanteng nasa harapan niya.

“Gusto mo? Sa iyo na lang itong payong. Hindi na namin gagamitin.” Umiling  lang ang estudyanteng babae. Lumapit pa sa ibang tao ang aking kapatid para ialok ang payong pero iling lang at ngisi ang isinagot sa kanya. Wala ni isa man lang nakaisip magpa-thank you, saka tumanggi.

Pulos mga nakatingin lang sa amin ang mga tao. Parang mga namatanda. Parang ngayon lang sila nakaranas alukin ng libreng payong. Iniwan na lang namin ang dalawang payong sa isang tabi at bahala nang damputin ng may gusto.

Nasa loob na kami ng mall nang maihinga ng aking kapatid ang frustration niya sa mga tao sa labas ng mall: Bakit ganoon ang mga tao? Hindi marunong mag-appreciate ng kabutihan ng kanyang kapwa? Sa halip na matuwa at may mababait pa rin tao, parang pinagdudahan pa nila ang maganda nating intensiyon? Sabagay, marami na kasing “bad people” kaya napa-paranoid na ang mga tao. Pagkaraan ng isang oras, naisipan naming silipin ang dalawang payong sa pinag-iwanan namin sa labas ng mall. Wala na ito.

vuukle comment

QUIAPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with