Manhunt vs NDF consultants inilarga na
MANILA, Philippines - Inilarga na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang manhunt operations upang maaresto ang mga nagsisipagtagong 20 consultants ng National Democratic Front (NDF).
Sinabi ni CIDG Chief P/Director Roel Obusan, nakikipag-ugnayan na ang PNP-CIDG sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies para mapabilis ang pag-aresto sa mga target.
Gayundin sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) upang malaman kung nakabalik na sa bansa ang mga nakibahagi sa peace talks sa Oslo, Norway at Rome, Italy.
Kamakailan ay mismong NDF ang nagsabing nakabalik na sa Pilipinas ang kanilang mga consultants matapos ang kanilang pakikipag-pulong sa government peace panels sa Roma.
Kabilang sa mga ipinaaresto ang mag-asawang lider ng CPP-NPA na sina Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Adelberto Silva, Alfonso Jazmines ,Alfredo Mapano, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ruben Salota, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna, Renante Gamara, Tirso Alcantara at iba pa.
- Latest