^

Bansa

Alvarez kinondena ng anti-death congressmen

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kinondena ng anti-death penalty congressmen ang posisyon ni House Speaker Panta­leon Alvarez na alisin sa pwesto sa Kamara ang mga House leaders na sasalungat sa death pe­nalty bill.

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman, na sa isang demokratikong institusyon na tulad ng Kamara, ay walang karapatan si Alvarez na pwersahin ang mga kaalyado nito na suportahan ang death penalty kahit labag ito sa kanilang kunsensya.

Sinabi pa ni Lagman na hindi lider ng mga “yes-men” si Alvarez kaya dapat niyang respetuhin ang paninindigan ng bawat kongresista na ang pananagutan ay hindi sa liderato ng Kamara kundi sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito kaya paalala niya sa mga kapwa kongresista, na ang pagiging makabayan at prinsipyo ang dapat nilang pangi­babawin kumpara sa bulag na pagsunod sa kagustuhan ng administrasyon.

Subalit sa pahayag ni Alvarez, determinado siyang tanggalin ang mga kaalyado sa supermajo­rity at posisyon sa liderato kung ayaw sumunod sa prayoridad ng administras­yon para pagtibayin ang parusang kamatayan.

Nilinaw pa ng Speaker na hindi siya nagbabanta kundi polisiya niya ito talaga dahil awkward naman na manatili ang mga ito sa alyansa kung hindi naman na kasundo ng administrasyon.

Tiwala naman si Alvarez, na maipapasa nila ang anti-death penalty bill o ang House Resolution 4727 bago mag-recess ang kongreso sa Marso 15.

vuukle comment

EDCEL LAGMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with