^

Bansa

Shutdown ng 28 minahan tuloy - Lopez

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nilinaw kahapon ni Environment Sec. Gina Lopez kahapon na ipatitigil pa rin niya ang operasyon ng mga minahang nasa watershed areas, kahit ipinag-utos ng Palasyo na pansamantalang itigil ang pagpatutupad ng “suspension and shutdown orders” laban sa 28 na malalaking minahan sa bansa.

Ayon kay Lopez, kalihim ng Department of Environment and National Resources (DENR), ang pagsara sa mga minahan na nasa watershed areas ay “non-negotiable” at iginiit niyang suportado ni Pangulong Duterte ang kanyang desisyon.

“It would take a miracle to convince me to allow mining in watersheds. As far as I know it’s against the law. It’s against social justice, it’s against the cons­titution. He (Duterte) said I agree there should be no mining in watersheds,” sabi ni Lopez.

Sinabi pa ng DENR chief, 15 sa 28 na mga minahan na kanyang ipinasasara ay nasa watershed areas.

Ipinasuspinde muna ng Palasyo at ng Gabinete ang “closure at suspension orders” ni Lopez at ayon sa DOF, pag-aaralan muna ang pasya ng kalihim.

Sinisiguro lamang umano ng Malacañang ang “due process” sa pagpapasara sa aabot sa 28 minahan na umano’y hindi nakasunod sa mga patakaran sa pagmimina, batay sa mining audit na isinagawa ng DENR.

Inanunsyo ni Lopez noong February 2 ang resulta ng mining audit na nagpapakitang mahigit sa kalahati ng bilang ng mga malalaking minahan sa bansa ay bumagsak sa patakaran ng DENR.

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with