^

Pang Movies

Sunshine nagsalita sa ‘problema’ ni Diego!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Talk of the town ngayon sa showbiz ang rant ni Diego Loyzaga sa kanyang Instagram account last Tuesday patungkol sa kanyang amang si Cesar Montano.

Matitindi ang mga binitiwang salita ni Diego laban sa sariling ama na bagama’t burado na ngayon, marami na ang nakabasa at nai-share na rin sa mga social media. Lumabas na rin ito sa mga showbiz blogs and sites.

Sa said post ay tinawag ni Diego ang ama na hypocrite at may kasama pa na mahabang caption na:

“Ito ka (hypocrite) Cesar Montano #sakaypa !!! Padamputin mo na ako, lagyan ako ng karatula diba iyan ang sinabi mo? Kaming dalawa ng kapatid ko? Mag malinis ka na, sakay ka na sa kanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang!

“Magaling, best actor ka nga! Ano pang gusto mo? Drug test? DNA test? Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado. Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin. Samantalang wala ni isang piso hiningi ko sayo mula bata pa ako. Pang limang drug test na ipinagawa niyo sakin LAHAT negative pero lakas pa rin ng loob mo na pag bintangan akong adik.

Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin? Ramdam na ramdam ko nga na mahal mo ‘ko. Salamat. Makadiyos ka pa? Panay simba ka nga pero wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan. I think I speak on behalf of all my siblings. Sana lumabas lahat ng baho mo. Duwag! – Written by the ungrateful child who was denied by his father. So really am I an ungrateful ‘child’ because to him, I am not even his child.”

Timing naman na sa presscon kahapon ng bagong serye sa ABS-CBN na Wildflower starring Maja Salvador, naroroon si Sunshine Cruz na isa sa cast kaya naman dinumog siya talaga ng entertainment press pagkatapos ng question and answer portion para mahingan ng reaksyon about the issue.

Sa post ni Diego ay kitang-kita na napakalalim ng mga hugot nito sa ama. Nararamdaman ba niya ang pain ng young actor?

“Of course, as a tita and someone close to him. Siyempre, malungkot ako sa nangyayari. I’m really very worried about him, but in touch naman ako with Teresa.”

Nagkausap na ba sila ni Diego?

“Ah, ‘yung mga kapatid niya (her daughters) texted him. Yeah, I also messaged him if he’s okay.”

Tungkol naman sa isang bahagi ng post ni Diego kung saan ay tila napagbibintangan siya ng ama na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, ani Shine ay naroon na rin naman sa post ng young actor ang mga sagot.

Sa nasabing post ay itinatanggi ni Diego ang akusasyon at aniya, laging negative and resulta ng drug test na laging ipinapagawa sa kanya.

Pero bilang tita, naniniwala ba siya sa akusasyong gumagamit si Diego ng ipinagbabawal na gamot?

“Naku, mahirap nating. . .huwag n’yo na akong i-involve. Basta mahal ko si Diego at mahal ko si Teresa.”

Nahingan din ng komento si Sunshine tungkol naman sa post ni Cesar sa Instagram account nito last Tuesday din ng larawan tatlong tseke na ayon sa caption ibinayad nito sa tuition ng tatlo nilang anak.

“That happened a few months ago, eh, di ba? I think, it’s his obligation as a father. I never denied that he’s paying for the tuition fee. It was ordered by the court, actually,” sagot ni Sunshine.

Pero dapat bang i-post ito sa social media?

“What do you think, guys?” ang balik-tanong ni Sunshine. “I cannot answer, eh. So kayo na lang ang bahalang magsalita if it’s right or wrong.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga obserbasyon na matagal na raw kinikimkim ni Diego ang mga sama ng loob at ngayon lang talaga nito nasabi?

“Well, wala kayong narinig na kahit ano sa bata, so, well I guess, lahat ng tao ay may hangganan ang pagiging tahimik,” sey ni Sunshine.

Samantala, sa Q&A ay natanong din ang aktres at iba pang cast kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine’s Day at siyempre, bilang may bagong karelasyon si Sunshine, aminado naman siyang ang ka-Valentine niya ay ang boyfriend na si Macky Mathay.

“Four years akong walang Valentine. Pero ngayong Feb. 14, kine-claim ko na, mayroon akong ka-Valentine. Pero it’s also the birthday of my sister, Feb. 14, baka kasama namin, mom ko, mga kids,” she said.

Ginagampanan ni Sunshine ang papel na Camia na ina ng karakter ni Maja sa Wilflower. Magsisimula na ang serye sa Feb. 13 mula sa direksyon ni Onat Diaz, Raymond Ocampo and Cathy Camarillo under the production unit headed by Ruel S. Bayani.

 

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with