^

Punto Mo

Amyendahan ang PNP law

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAPAPANAHON na para rebyuhin ang batas na lumikha sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng mga eskandalo na kinasasangkutan ng ilang tiwaling pulis.

Nagkasunud-sunod na ang pagkakabunyag sa pagdadawit sa mga pulis sa kidnapping o tokhang for ransom at ang pag gamit sa kampanya sa illegal drugs upang makagawa ng kalokohan.

Isa sa mga pangunahing pagkakasangkot ng mga pulis ay ang pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo na ang pangunahing suspek ay si SPO3 Ricky Sta. Isabel at Supt. Rafael Dumlao na maituturing na mataas na opisyal ng PNP sa tokhang for ransom.

Nabisto rin ang 10 pulis na pumasok sa isang establisimento na nagtanim ng shabu at humingi ng pera.

Mayroon pang naunang kaso kung saan dalawang mataas na opisyal ng PNP na ang isa ay chief of police sa Mindoro na nahuling pumatay sa isang NGO leader. Ganundin ang pagpasok ng CIDG sa bilangguan na kinapipiitan ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at binaril ito.

Ilan lamang ‘yan sa mga kaso na tila mabagal ang pagresolba at pagpapataw nang mabigat na parusa sa mga pulis.

Sa kasalukuyang batas ng PNP, tanging pag-relieve sa puwesto at pagsasailalim sa restrictive custody ang ginagawa sa mga pulis na sangkot sa krimen at katiwalian.

Dapat amyendahan na ang PNP law at ihalintulad sa militar na kapag may kaso, agad na maikukulong sa kampo.

Samantalang kung restrictive custody lang ay binabantayan lang ito at maaari pa ring lumabas ng Camp Crame bagama’t may escort lang.

Bukod dito, panahon na upang maglabas araw-araw ng update ang PNP sa sitwasyon at kalagayan ng lahat ng mga kaso upang maipaalam sa publiko kung natanggal na sa serbisyo ang mga tiwaling pulis at nililitis na sa kasong kriminal sa korte.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with