^

Police Metro

Chairman inutas sa tapat ng barangay hall

Ludy Bermudo - Pang-masa
Chairman inutas sa tapat ng barangay hall
Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Tito Caldozo, chairman ng Barangay 106, Zone 8 at residente ng Cadena de Amor St., Tondo, Maynila.
File photo

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 64-anyos na barangay chairman nang barilin ito ng riding in tandem criminals kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Tito Caldozo, chairman ng Barangay 106, Zone 8 at residente ng  Cadena de Amor St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:09 ng gabi sa tapat ng barangay hall sa Rizal St., Magsaysay, Tondo ay nagsabi ang biktima sa mga kasama na huwag lumapit sa kanya dahil may banta ang kanyang buhay.

Habang nakaupo ang biktima kasama ang tanod na si Celestino Burgos, 58, sa harapan ng barangay hall ay biglang lumutang ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo, nakasuot ng face mask at crash helmet at isa ang bumunot ng baril  at pinagbabaril ang una.

vuukle comment

BARILIN ITO NG RIDING IN TANDEM CRIMINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with