^

PSN Showbiz

Ipinagpalit sa movie producer na BF, Bela at Zanjoe nagka-inlaban sa taping!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ipinagpalit sa movie producer na BF, Bela at Zanjoe nagka-inlaban sa taping!
Bella at Zanjoe

MANILA, Philippines – Hindi lang pala pang-press release, kundi totoong-totoo raw na may relasyon na sina Zanjoe Marudo and Bela Padilla ayon sa isang source.

At ito raw ang naging rason kaya nag-split si Bela at ang boyfriend niya for four years na si Neil Arce.

Magka-partner ngayon sina Zanjoe at Bela sa kasisimulang primetime series ng ABS-CBN na My Dear Heart na napanood lang since Monday pero matagal nang nagti-taping.

Kaya ‘wag daw magulat kung kasamang manonood ni Zanjoe si Bela ng concert ng Coldplay kung saan nagsalita ang actor sa presscon ng kanilang serye na bumili siya ng tickets at naghahanap siya ng makakasama sa panonood. Sinabi niya rin na gusto na niyang magka-girlfriend.

Si Bela naman during the presscon ay nag-dialogue na siya na lang sana ang makatanggap ng negative comments tungkol sa hiwalayan nila ng movie producer at hindi na idawit pa si Neil dahil ok pa rin naman daw ang setup nila as co-workers. May mga nakalinya pa raw siyang project with him, bilang producer nga ang ex nito.

Pero nang tanungin siya ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk ng Tonight with Boy Abunda kung sino ang hu­ling nagsabi  sa kanya ng ‘I heart you’ si Zanjoe ang binaggit niyang pangalan at si Nayomi Ramos na gumaganap na anak nila.

Ayaw nang mag-elaborate ng source, pero gulat daw talaga ang mga tao sa paligid nina Neil at Bela sa nangyari at inaamin na raw ng una na wala na talaga sila ng aktres.

Rita at Arjo

Ria Atayde, may offer mag-binibini

Wow, negosyante na rin pala si Arjo Atayde.

Bukod sa pinagso-sosyohan nilang kainan sa Kapitolyo sa Pasig ng anak ni AiAi delas Alas na si Sancho, ang Eskinita, may ino-operate na rin pala silang fitness center, Village Fitness, somewhere in Alabang.

Meron din silang clothing business na 7107 kasama ang sister niyang si Ria na may offer na mag-train for Binibining Pilipinas at ilang cousins nila. Sila mismo ang ng nagde-design ng mga damit na kino-consign nila sa iba’t ibang department store.

Ito ay kahit pareho na silang kumikita ng malaki lalo na si Arjo na hindi nababakante at pinupuri pa ang acting sa Ang Probinsiyano.

Kahit naman si Ria na kasama sa My Dear Heart, hindi nawawalan ng raket.

Ayon sa mother nilang si Sylvia Sanchez, very responsible ang mga anak nila kaya nagpapasalamat siya kahit na nga busy din at simula’t sapul ay bread winner na siya ng pamilya niya (Sylvia), naging maayos ang lahat sa kanilang mga anak ng husband niyang negosyante na si Arturo Atayde.

                                                                                             

vuukle comment

ARTURO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with