^

Probinsiya

Misis nagpuslit ng shabu, tiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Nagkasama na sa  kulungan ang mag-asawa makaraang masakote ang misis na tinangkang magpuslit ng shabu sa BJMP headquarters sa Barangay Pahinga Sur, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Supt. Freddie Dantes, chief of police sa bayan ng Candelaria, nakilala ang suspek na si Mildred Solomon ng Barangay Masin Norte. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang suspek sa BJMP HQ upang dalawin ang asawang si Samuel na nakakulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9165. Habang isinasagawa ang body search sa suspek ay nakumpiskahan ito ng 2 plastic sachet ng shabu (9.0921 gramo) na nakalagay sa coin purse. Pormal na kinasuhan ang suspek kung saan magkasama na sila ng kanyang mister na may kaso ring droga.

vuukle comment

MISIS NAGPUSLIT NG SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with