8 kritikal sa karambola ng mga sasakyan
BATAAN, Philippines – Walo-katao ang malubhang nasugatan makaraang magkarambulan ang walong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Sitio Bangad, Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa ng tanghali. Ginagamot ngayon sa Bataan General Hospital sa Balanga City ang mga sugatang sina Eleric Losada, 47; Manuel Victoriano, 39; Jesus Fernandez, 59; Elvira Fernandez, Ronald Hender, 18; Vicente Layacan, 31; Jesus Villacorta, 54; at si Susana Villacorta, 45. Sa imbestigasyon ni PO3 Ben Benigno Viray, nagkarambola ang mga sasakyang passenger van (TQF-090) ni Lozada, Toyota van (TTQ-282) ni Fernandez, traysikel ni Hender, mini-truck (ABG-1825) ni Layacan at ang Toyota Montero (RMY-243) ni Villacorta.
- Latest