^

PSN Palaro

Lady Stags didiretso sa Finals vs Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sasarguhin ng San Sebastian College ang sweep kalakip ang unang tiket sa finals sa pakikipagtipan nito sa nagdedepensang College of Saint Benilde nga-yong umaga sa huling araw ng eliminasyon ng NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang rematch ng Season 91 finals sa pagitan ng Lady Stags at Lady Blazers sa alas-11 kasunod naman ang importanteng duwelo sa pagitan ng Arellano University at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12:30 ng tanghali.

Ibubuhos na ng Lady Stags ang buong puwersa nito upang maisakatuparan ang 9-0 sweep na magbibigay sa kanila ng thrice-to-beat advantage sa finals.

Mamanduhan nina reigning back-to-back MVP Grethcel Sotlones at Joyce Sta. Rita ang ratsada ng San Sebastian kasama sina middle blocker Katherine Villegas, setter Vira Guillema at libero Alyssa Eroa.

“We really need to prepare against them (Benilde). Kailangan naming maging consistent sa lahat ng aspeto ng laro. From receive, attack, defense both on net and floor,at sa service area,” ani San Sebastian mentor Roger Gorayeb.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Benilde hawak ang 6-2 baraha habang nasa ikalawa ang Arellano na may 7-1.

Sa kabilang banda, nais ng Arellano na makuha ang krusyal na panalo laban sa Perpetual Help para masiguro ang twice-to-beat sa semis.

May 5-3 ang Perpetual Help. At kung matatalo ito, awtomatikong makukuha ng San Beda College  (6-3) ang huling silya sa Final Four.

Kung mananalo naman ang Lady Altas sa Lady Chiefs, maipupuwersa nito ang playoff laban sa Red Spikers para sa No. 4 spot. 

 

vuukle comment

SAN SEBASTIAN COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with