^

PSN Palaro

Magkapatid na Pagnanawon, Bonzo target ang LBC title

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa ang magkapatid na sina Jaybop at Jhunvie Pagnanawon at Julius Mark Bonzo na masundan ang yapak ng kanilang mga magulang sa oras na sumalang na ang mga ito sa LBC Ronda Pilipinas 2017 na gaganapin sa Pebrero 4 hanggang Marso 4.

Sina Jaybop at Jhunvie ay anak ni Rolando na naghari sa Marlboro Tour may dalawang dekada na ang nakalilipas habang ang tatay ni Bonzo na si Romeo at tiyuhing si Modesto ang namayagpag sa Marlboro Tour noong 1983 at 1976, ayon sa pagkakasunod.

“I dream of becoming champion someday because I want my family to be proud of me,” wika ng 26-anyos na si Bonzo na pambato ng Sual, Pangasinan.

Handa naman si Jaybop na maipagpatuloy ang legasiya ng kanilang pamilya kung saan nagparamdam ito ng lakas noong Disyembre matapos pumangalawa kay George Luis Oconer ng Go for Gold sa Visayas qualifying race.

Makakasama nina Jaybop at Jhunvie ang pinsan nilang si Jetley sa Bike Extreme Team kasama sina Mindanao pride James Paulo Ferfas, Arjay Kaul, Michael Ochoa at Alvin Mandi.

Ang iba pang koponang sasabak ay ang Team Navy, Go for Gold, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Zambales, Salic at One Tarlac.

Nakalaan ang tumataginting na P1 milyong premyo para sa mga magwawagi sa torneong suportado ng LBC, MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

vuukle comment

JAYBOP AT JHUNVIE PAGNANAWON AT JULIUS MARK BONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with