^

PSN Opinyon

‘Pagpapanumbalik ng tiwala’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAPAT turuan at bigyan ng sapat na kaalaman ng Phi­lippine National Police (PNP) ang publiko sa proseso at mga teknikalidad ng pagpapatupad nila ng batas.

Papaano malalaman kung sino ang mga lehitimo at peke nang sa ganun hindi sila mabiktima sa modus ng mga abusadong pulis.

Tutal mismong si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na rin ang nagsabi, kailangan nila ng kooperasyon ng taumbayan. Isang klasikong halimbawa niya, kapag may nag-serve ng warrant of arrest sa isang indibidwal agad tumawag ng pulis.

Agarang pag-iwas ito sa posibleng dulot na mga ire­gularidad at kontrobersiya tulad ng nangyaring pagkidnap at pagpatay sa Koreanong negosyante.

Dapat maramdaman ng tao ang “to serve and protect” na mandato ng PNP. Nakikita ang kanilang presensya sa mga komunidad at lansangan.

Kapag ang mga pulis madaling hanapin, madaling tawagan at madaling rumesponde hindi na nila kaila­ngan pang magpapawis para makuha ang tiwala at respeto ng tao.

Bagama’t nagpahayag ng suporta at tiwala ang Presi­dente sa buong ahensiya, hindi ibig sabihin na may basbas na rin siya sa mga ulupong at utak-kriminal na mga alagad ng batas.

Naniniwala ako, maraming matitinong pulis. Maliit na porsiyento lang ang mga gumagawa ng kagaguhan at katarantaduhan na sumisira sa imahe ng PNP.

Kayang ipanumbalik ng pulisya ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan sa kanilang institusyon. Kaila­ngang magtrabaho ng buong ahensiya.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with