^

Bansa

4,000 ‘Martial Law victims’ babayaran na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakatakdang makatanggap ng compensation ang may 4,000 claimants na naging biktima  ng Human Rights violations noong panahon ng Martial Law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iniharap ng Human Rights victims Claims Board kay Pangulong Duterte ang kanilang desisyon na bayaran ang inisyal na 4,000 claimants.

Sa kabuuan, nasa 30,027 claimants na ang  nakakub­ra ng kanilang kompensasyon sa  naging karanasan nila noong panahon ng  rehimeng Marcos.

Mayroong 75,730 total claimants subalit sinabi ni ret. General Lina Sarmiento na siyang pinuno ng HRCB, hindi lahat ng biktima ng human rights ay qualified sa kompensasyon at sinasala pa ng board ang mga dapat na makatanggap nito sa ilalim ng Republic Act 10368 o ang batas na nagtatakda ng kompensasyon para sa mga human rights victims noong panahon ng Martial Law.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with