^

PSN Showbiz

Angel ipinakilala nang ‘Alleged Lover’ si Bubbles

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel ipinakilala nang �Alleged Lover� si Bubbles
Angel Locsin at Bubbles Paraiso

MANILA, Philippines -  Hindi na lang wifey ang tawag ni Angel Locsin kay Bubbles Paraiso na kasama niyang nagre-rest at nagre-relax (R&R) sa The Farm sa Batangas. Alleged lover na ang word na ginamit niya kahapon sa isang photo niya na naglalangoy sa pool ng isang villa ng sosyal na The Farm. “R&R weekend getaway with my “alleged lover”, @bubblesparaiso

Hihihi. Naloka na siguro si Angel na pilit silang nili-link ng wifey niyang si Bubbles. Yup, panahon na talaga para sagutin ni Angel ang isyung tibo siya kesa naman lagi siyang pinagbibintangan dahil nga ang karamihan sa mga kaibigan niya ay miyembro ng third sex. Para na rin sa katahimikan ng mga nang-iintriga at nangba-bash.

Walang masasabi sa kabaitan at pagiging matulungin ni Angel. More than a year na nang tulungan ni Angel ang namayapang si Tita Emy Abuan na isang showbiz writer at naging publicist niya na nangailangan ng financial assis­tance for the funeral. Siya ang nagbayad ng remaining balance na more than P300,000. Ang aktres mismo ang nagpunta sa cashier ng isang funeral homes para i-settle ang balance.

At bagama’t hindi sila naging ok ni Luis Manzano na karelasyon ni Jessy Mendiola sa kasalukyan, pawang papuri naman ang naririnig mula kay Edu Manzano na nakasama niyang magbiyahe sa Amerika bago sila nagkahiwalay ni Luis.

Anyway, bukod sa ‘alleged lover,’ short na rin ang hair ni Angel sa photos na uploaded naman ni Bubbles.

May possibility kayang true ang tsismis na nasira ang hair niya sa isang salon nang magpa-color siya kaya napansin ng marami na nagwi-wig siya sa ilang Instagram post niya last year pa? Naglagas diumano ang buhok nito.

Paano na kaya ang shampoo endorsement niya? Ayon sa isang source, exis­ting ang contract nito sa nasabing brand ng shampoo kasama si John Lloyd Cruz.

Malakas din nga pala ang isyu na tuloy na ang Darna ni Angel at isasama umano sila ni John Lloyd sa fantasy series nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na La Luna Sangre na inspired sa kanilang series noon na Lobo.

Baguhang aktor na si Rodrich may launching movie agad

Ang bongga ng baguhang actor na si Rodrich Rey Rebollos, may launching movie na agad siya.

Last week ay ipinakilala si Rey Rebollos sa ilang member ng entertainment media ng JAMS Artist Productions na pag-aari ng mag-asawang Angel and Jojo Flores, na sina-suggest ng ibang present sa press launching na Rodrich na lang ang gamiting pangalan dahil marami nang Rey sa showbiz.

Eighteen years old si Rey from Zamboanga province at nag-aaral ng kolehiyo sa UST sa kasalukuyan na kailan lang niya naisip na ang gusto pala talaga ang showbiz at maging actor.

Kuwento niya, nagsimula ‘yun nang mag-sign up siya sa isang theater organization noong freshman siya sa nasabing eskuwelahan. Since then, nadsikubre na niya ang fashion for acting.

Walang kahit anong acting experience si Rey noong nasa Zamboanga siya. After lang ng dalawang sinalihan niyang play saka lang siyang nag-decide na mag-acting workshop.

Naging baptism of fire niya ang play na Pendulum. Ginampanan niya ang role ng isang gay na in love sa kanyang bestfriend. Though medyo nahirapan daw si Rey, hindi naman daw nagtagal ‘yun at nasanay na rin siya.

Second play niya ang Game Over kung saan isa na siya sa mga bida. Ginampanan niya ang role ni Super Mario Maurer. Parody ng video games with the character struggling na isang human playin­g their game.

After nang nabanggit na dalawang play, mas naging pursigido siya sa naramdaman na passion sa character na pino-portray niya.

Anong role ang gusto niyang gawin if ever na magkaroon ng offer na teleserye. “Chill role. Ok na sa akin,” sagot ni Rey na parang mas bagay nga ang pangalang Rodrich kesa sa Rey.

Of course alam niyang hindi madali ang pangarap niya pero willing siyang maghintay at nagpramis na he will do everything to reach his goal.

Nagkaroon na siya ng exposure sa ABS-CBN’s A Love to Last as classmate ni Julia Barretto.

At ngayon nga paghahandaan niya ang launching movie niya. By the way, magaling din siyang magºtula. Yup, as in at nagparinig siya ng sample sa press event last week.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with