^

PSN Showbiz

Inagurasyon ni Donald Trump napokus sa suot ng first lady!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinanood ko sa TV ang inauguration  kay Donald Trump bilang 45th  President ng Amerika dahil bahagi ito ng history pero naloka ako dahil naka-focus ang mga report sa damit na isinuot ng bagong First Lady ng US, si Melania Trump.

Pati ang mga male anchor ng CNN, may opinyon tungkol sa Ralph Lauren dress ni Melania at sa oufit nito sa inaugural balls.

Na-realize ko na intrigero rin ang mga Amerikano dahil binigyan nila ng malisya ang facial reaction ni former US First Lady Michelle Obama nang tanggapin nito ang Tiffany box na regalo sa kanya ni Melania. May mga opinyon din sila sa hindi pag-alalay ni Trump sa misis nito habang umaakyat sila sa hagdan ng White House.

Hindi naman sapat na basehan ang facial reaction ng isang tao para malaman ang nasa isip o ang mga saloobin niya ‘no!

Take note, mga kapwa Amerikano ang nang-iintriga sa Obama at Trump couple na nagpapatotoo na wala silang ipinagkaiba sa mga Pinoy  na hindi nawawalan ng opinyon sa lahat ng mga isyu, mapa-showbiz man o pulitika.

Pinay na chef ng White House hinihintay ang magiging kapalaran kay Trump

Ano kaya ang mangyayari kay Cristeta  Comerford sa pag-alis ng Obama family sa White House?

The who si Cristeta? Siya ang White House Executive Chef mula pa noong 2005 at  karangalan ito para sa atin dahil kababayan natin si Cristeta.

Unang naglingkod si Cristeta bilang White House Executive Chef sa admi­nistrasyon ni ex-US President George Bush.

Nang manalo si Barrack Obama bilang 44th President ng US, ni-retain si Cristeta na Executive Chef ng White House.

Ngayong tapos na ang term ni Obama, wondering ang mga Pinoy kung magpapatuloy ang paglilingkod ni Cristeta sa White House o papalitan na siya ni Trump?

Kaya binibira PNP Chief Bato, kakaiba ang ‘role’ sa pelikula ni Matteo

Dumalo si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa premiere night ng Across The Crescent Moon sa sinehan ng isang mall sa Taguig City noong Biyernes, ang araw na pumutok ang panawagan na mag-resign siya dahil nangyari ang pagpatay sa Korean businessman na kidnap victim ng mga pulis sa compound ng Camp Crame noong October 2016.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez na kaalyado ni President Rodrigo Duterte ang nagsabi na dapat magbitiw sa tungkulin si Papa Bato na showbiz na showbiz na sa paningin niya.

I’m sure, lalong iintrigahin si Papa Bato dahil sa pag-apir nito  sa red carpet premiere ng Across The Crescent Moon dahil fresh pa sa isip ng kanyang haters ang panonood niya ng concert ni Bryan Adams sa Smart Araneta Coliseum noong January 18.

Kasama ni Papa Bato ang pamilya niya sa premiere ng pelikula na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli, Christopher de Leon, Sandy Andolong at Gabby Concepcion.

May reason ang pagdalo ni Papa Bato  dahil kasali siya sa pelikula pero isang character actor ang gumanap sa role niya.

Ikinuwento ni Matteo sa presscon ng Across The Crescent Moon na dalawang beses sila na nakipag-meeting kay Papa Bato  nang gawin nila ang pelikula na may playdate sa January 25.

Sa pagkakaintindi ko, malaki ang naitulong ni Papa Bato at ng Andanar fami­ly  kaya maayos na nakapag-shooting sa Tawi-Tawi ang cast at production staff ng Across The Crescent Moon.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with