^

PSN Palaro

Pinoy vs. Pinoy

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nakausap natin kahapon si Johnriel Casimero, ang IBF flyweight champion na tubong Ormoc sa Leyte.

Dahil nga flyweight division na siya ngayon (115 pounds) ay may posibilidad na magkita sila nina Donnie ‘Ahas’ Nietes o Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria sa gitna ng daan.

Tinanong natin ang kanyang promoter na si Sammy Gelo-Ani ng Cebu kung payag sila na makalaban ang kapwa Pinoy para sa IBF title.

Ayaw nila.

Ang sabi ni Sammy, mas gusto nila na ibang lahi na lang ang makalaban kesa kapwa Pinoy.

Kasi nga naman, tiyak na may isang matatalo.

Hindi kasi tayo kagaya ng mga Mexicano na sanay maglaban-laban kagaya ni Erik Morales at Marco An­tonio Barrera na tatlong beses naglaban.

Bihira maglaban ang Pinoy sa kapwa Pinoy para sa world title.

Sabi ni Sammy, iiwas sila hanggang puwede umi­was.

Sa December, mukhang lalaban si Casimero sa isang voluntary defense. Ibig sabihin, puwede siyang pumili ng kalaban basta nasa top 15 ito ng IBF sa flyweight class.

Pero sa sunod niyang laban mula Pebrero o Mayo next year ay mandatory ito. Ibig sabihin ay kailangan niyang labanan ang No. 1 challenger na ihaharap sa kanya ng IBF.

Kung tatanggihan niya ang mandatory challenger, matatanggal ang titulo sa kanya.

Dito papasok si Nietes o Viloria. Just in case na sa panahon na ‘yun ay No. 1 challenger na kung sinuman sa dalawa.

No choice kundi pakiusapan nila si Nietes o Viloria na tumanggi.

Puwede kasing tumanggi ang challenger dahil wa­la naman mawawala sa kanila.

Huwag lang maglaban ang Pinoy kapwa Pinoy.

vuukle comment

JOHNRIEL CASIMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with