^

Punto Mo

‘Power play’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MAY kumukulong balita na may nagbabalak na patalsikin si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel.

Si Senador Antonio Trillanes IV ang nagpahayag nito sa isang interview niya. May espekulasyon umanong may ginagawang plot si Senador Allan Peter Cayetano para maalis sa posisyon si Pimentel.

Ito daw ang kanyang napapansin sa mga ikinikilos ng mga taga-suporta ni Cayetano.

Nakaladkad pa ang pangalan ni Senador Richard “Dick” Gordon dito na ayon kay Trillanes ay ayaw daw nitong maging Senate President si Pimentel hanggang sa mapag-alaman nilang majority ng boto ay nakuha ni Pimentel.

Ang binoboto daw nito bilang mamahala ng Senado ay si Cayetano.

Wala naman siyang mabanggit na konkretong basehan o ebidensya ng mga ibinibintang niya. Ang tanging meron siya ay espekulasyon lang at sa kanyang pag-oobserba sa mga kilos ni Cayetano ay ganito daw ang mukhang pinaplano.

Nabanggit din ni Trillanes sa naging panayam sa kanya sina Senador JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri.

Nung tanungin naman sina Zubiri at Ejercito mariin nilang itinanggi na may plano ngang mapatalsik si Pimentel.

Hindi daw susuportahan ni Zubiri ang ganitong hakbang bilang isa ring Mindanaoan.

Mismong sa pahayag ni Trillanes ay wala siyang ebidensya na totoo ngang may ganitong plano ang kampo ni Cayetano.

Madalas namang ganito ang nangyayari kapag may posisyon kang hinahawakan madalas nang makarinig na papaalisin o papatalsikin ka sa pwesto.

Pinagdaanan na ito nina dating Senate President Manny Villar, Juan Ponce Enrile at Franklin Drilon.

Hindi na bago ang ganitong isyu sa politika. Sabi pa ni JV Ejercito produkto lang daw ito ng imahinasyon ni Trillanes.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

SENATE PRESIDENT AQUILINO “KOKO” PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with