^

Metro

Zipper lane ng MMDA, tigil muna

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Imbes na makapagpalu-wag, nakadagdag pa sa pagsisikip ang dry run kahapon ng ‘‘Zipper Lane’’ ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA), kung kaya’t agad na ipinasya ng tang­gapan na pansamantala munang ipagpaliban ang pag-papatupad dito.

Dahil nga dito, naasar ang maraming motorista at inulan ng batikos ang MMDA at mga enforcer nito. 

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Ma-nager Tim Orbos ay hindi muna nila ipapatupad sa darating na Lunes ang zipper lane partikular nga sa kahabaan ng EDSA.

Alas-9:30 ng umaga kaha­pon isinagawa ang dry-run sa pamumuno nina Orbos at Gene­ral Manuel Gonzales sa EDSA Main Avenue Northbound. Napansin na hindi naging epek­tibo, kundi lalong nakapag­pabigat sa daloy ng trapiko.

Sa obserbasyon, naging mabilis ang daloy ng mga sa­sakyan sa Southbound na gumamit ng Zipper Lane, kung saan limang minuto lamang umano ang biyahe mula Main Avenue sa Cubao hanggang sa Ortigas sa Mandaluyong City.

Pero kapansin-pansin mag alas-10:00 ng umaga ay tukod na ang traffic sa EDSA Northbound mula Shaw Boulevard hanggang Main Avenue.

Dahil ito sa sinakop na ng zipper lane ang innermost lane, at naging lima na lamang ang maaaring daanan ng mga sasakyan sa Northbound mula sa orihinal na anim na lane.

Inakala rin ng mga moto-rista sa Northbound lane na ang mga asul na cones ay para sa U-turn slot kaya pumasok sila dito at sinalubong ang mga Southbound na sasakyan.

Ang mga kalituhan ay isa sa dahilan kaya pansamantala munang huwag itong ipatupad habang nagsasagawa pa ng masusing pag-aaral.

vuukle comment

ZIPPER LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with