^

PSN Showbiz

Pia at Paolo parang pinagbiyak na bungaang hitsura

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Associated Press
Pia at Paolo parang pinagbiyak na bungaang hitsura
Paolo Ballesteros at Miss Universe Pia Wurtzbach

Nag-iisa lang talaga si Paolo Ballesteros dahil mahirap pantayan ang talent niya sa make up transformation.

Si Miss Universe Pia Wurtzbach ang ginaya ni Paolo sa bagong make up transformation nito at waging-wagi siya. Kop­yang-kopya ni Paolo ang mukha ni Pia na binigyan niya ng bagong name sa kanyang make up transformation, si Pia Wurtzbach-La.

Inilabas ni Paolo ang video ng Pia Wurtzbach-La make up transformation kaya nasaksihan ng madlang-bayan na dusa ang kanyang ginagawa as in hindi ito madali. Timing na timing sa Miss Universe na idaraos sa Pilipinas ang panggagaya ni Paolo sa mukha ng Pinay beauty queen.

Pitong minuto lang ang haba ng video pero sa tunay na buhay, inaabot si Paolo ng tatlong oras para ma-achieve ang pangongopya niya sa mukha ng iba’t ibang mga celebrity sa pamamagitan ng kanyang talent sa make up na world class ang kategorya.

Abo ni Donna ililibing kasama ang mga magulang

Ang pamilya ni Pastor Boy Saycon ang may-ari ng Cosmopolitan Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sounds familiar ang name ni Papa Boy dahil siya ang secretary-general ng Council for Philippine Affairs (COPA) na involved na involved sa mga political issue sa bansa.

Nagkita kami ni Papa Boy noong Miyerkules sa burol ni Donna Villa. Matalik na kaibigan ni Papa Boy ang mag-asawang Carlo J. Caparas at Mama Donna kaya ibinurol ang labi nito sa bagong bukas na funeral chapel.

Isa si Papa Boy sa mga unang tinawagan ni Papa Carlo sa telepono nang pumanaw si Mama Donna. Agad na iniwan ni Papa Boy ang kanyang ginagawa nang matanggap niya ang malungkot na balita mula kay Papa Carlo para damayan ito.

Ngayon ang huling araw ng burol ng labi ni Mama Donna sa Cosmopolitan Memorial Chapels.

Ipapa-cremate ang bangkay ni Mama Donna at dadalhin ito sa bayan niya sa Cebu dahil ito ang bilin niya. Ililibing ang cremated remains ni Mama Donna sa puntod ng kanyang mga magulang.

Hanggang ngayon, nararamdaman ko ang sobrang kalungkutan ni Papa Carlo nang magkausap kami. Hindi ko malilimutan ang pagtulo ng luha niya habang nagkukuwento tungkol sa maliligayang araw nila ni Mama Donna. Twenty-nine years na ang relasyon nina Papa Carlo at Mama Donna at halos araw-araw sila na magkasama kaya malaking dagok para sa multi-awarded writer/director ang pagkawala ng asawa niya.

Toby Tiangco mabait sa taga-showbiz kahit iba ang ‘mundo’

Maraming-maraming salamat kay Papa Toby Tiangco, ang house representative ng Navotas City. Kahit bihira kaming magkita ni Papa Toby, hindi siya nakakalimot tuwing may okasyon, mapa-birthday ko o Pasko.

Sa huling pag-uusap namin ni Papa Toby sa telepono, nagtanong siya kung gusto ko ba raw na padalhan niya ako ng isang banyera ng isda.

Ako na ang tumanggi dahil baka hindi namin maubos ang isang banyera ng isda at magkaroon pa ako ng idea na magbenta sa harap ng aming bahay.

Kidding aside, touched na touched ako sa kind gesture ni Papa Toby na walang kina­laman sa showbiz dahil ibang mundo ang ginagalawan niya pero malaki ang pagpapaha­laga sa entertainment industry.

Napakarami ng mga tinutulungan niya pero walang kapalit na hinihingi si Papa Toby kaya alam na natin kung bakit unopposed siya sa tuwing kumakandidato sa kahit anong posisyon sa Navotas City.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with