^

PSN Opinyon

Isang pagkakamali lang…

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko ay hindi papansinin ng China ang pinadalang “note verbale” ng DFA sa kanila, hinggil sa kanilang paglagay ng mga sandatang militar sa mga inilikhang isla sa South China Sea. Mahinang uri ng protesta ang “note verbale”, kaya hindi inasahan na papansinin ito ng China. Pero agad nagpahayag ang Beijing na ang mga islang nilagyan ng mga sandatang militar ay likas na teritoryo nila, kaya may karapatan silang gawin ang kahit ano sa mga ito. Karapatan daw nila ang ipagtanggol ang kanilang sariling teritoryo. Sa kabila ng pagbawas ng tensyon daw sa karagatan, handa ang China na maki­pagpulong sa lahat ng bansang may isyu, kasama ang Pilipinas. Pero ganun nga, karapatan daw nila ang maglagay ng mga sandata, para protektahan ang kanilang teritoryo.

Kung magiging mahigpit sa mga nakasaad na kasunduan, hindi ito dapat ginawa ng China, batay sa kasunduan sa pagitan ng China at mga bansa sa ASEAN. Wala sa usapan na puwedeng lagyan ng mga armas ang mga isla sa karagatan. Wala sa usapan ang “militarization” ng rehiyon. Hindi rin daw dapat nagtayo ng mga istruktura, mas lalo pang maglikha ng mga artipisyal na isla. Pero ano nga ang magagawa ng mga bansa ngayon? Ano pa ang magagawa ng diplomasya, kung nilagyan na nga ng mga sandata, paliparan at may mga tao at sundalong nakatira na. May mga ulat na balak gawing des­tinasyon para sa mga turista ng mainland, bukod sa kampo ng militar. 

Paano pala kung may mga lumipad na pampasaherong eroplano malapit sa mga isla na ito? Itataboy na rin ba sila tulad ng ginawa sa Air Identification Zone malapit sa Japan at Russia, kung saan rinaradyo ang mga piloto para lumihis palayo sa kanilang “teritoryo”? Paano kung hindi sumunod ang mga piloto dahil sa kanilang pagkakaalam ay nasa international na himpapawid? Sisindakin ba gamit ang mga sandatang nasa mga artipisyal na isla? Sana naman hindi ganito ang sitwasyon na malilikha, at ayaw natin mangyari ang pagbagsak ng sibilyan na eroplano, tulad nang nangyari sa Malaysian Airlines MH 17 na pinabagsak sa Ukraine, na napagkamalang militar. Isang pagkakamali lang ay puwedeng mauwi sa trahedya.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with