Digong nakipagpulong sa business taipans
MANILA, Philippines - Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga top business taipans ng bansa kamakalawa ng gabi sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernest Abella, naging produktibo ang pulong ng mga negosyante sa Pangulo sa isang dinner sa Palasyo.
Kabilang sa mga dumalo sina Finance Sec. Carlos Dominguez, Presidential consultant of entrepreneurship Joey Concepcion, dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, PLDT chairman Manuel V. Pangilinan, Hans Sy ng SM Prime Holdings, Augusto Zobel de Ayala, Edgar ‘Injap” Sia ng Double Dragon, Enrique Razon ng ICTSI, Bohol Rep. Arthur Yap, Aboitiz Equity Ventures President Erramon Aboitiz, Michael Tan ng LT Group, PCCI president George Barcelon at iba pang business taipans.
Ayon kay Abella, napag-usapan sa pulong ang inclusive growth na isinusulong ng Duterte government at investment sa Mindanao.
Natalakay din ang isyu ng ‘endo’ kung saan ay naging paborable naman ang mga negosyante sa inilatag na win-win solution.
- Latest