^

Bansa

Kidnaper, biktima pasabugin! - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na bombahin ang mga teroristang tumatakas kasama ang kanilang mga hostages upang matigil na ang kidnapping sa karagatan at pasensiya na lamang sa magiging “collateral damage”.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa mga negosyante ng Davao City kamakalawa ng gabi, ipinaalam na niya sa Indonesian at Malaysian counterparts na pasasabugin ng kanyang puwersa ang mga kidna­pers na dumukot sa mga sailors habang hinahabol ang mga ito sa karagatan at dadalhin ang mga kidnap victim sa Mindanao.

“Ako, ang order ko talaga sa Navy, sa Coast Guard, basta na-kidnap tapos trying to escape, pasabugin mo na silang lahat. Sabi nila sa hostage… sorry, collateral damage. Then if they are blasted everyday, that would stop, or, at least, places us in a very—and into a parity. Hindi ka lalamang sa kalokohan mo, pasabugin kita. Kaya huwag kayong magpakid­nap, sa totoo lang,” wika pa ni Duterte.

Aniya, hindi na maga­gawa ng mga kidnaper na humingi pa ng ransom money dahil habang nasa dagat pa lamang sila ay pasasabugin na sila kasama ng kanilang kidnap victim.

“You can’t gain mileage for your wrongdoing, I will really have you blasted,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Ang payo din ni Du­terte sa mga potential victim ay huwag nilang payagan na makidnap sila ng mga bandido.

Naalarma na ang gob­­yerno gayundin ang Malaysia at Indonesia dahil sa walang-tigil na pagdukot ng mga bandido partikular ang Abu Sayyaf Group para sa kidnap for ransom.

Noong Sabado ay pinalaya ng Abu Sayyaf ang kanilang bihag na Korean captain at Filipino crew may 3 buwan na ang nakakaraan matapos magbayad umano ng P25 milyong ransom.

Magugunita na may mga kontrobersiyal na pahayag si Pangulong Duterte na kinalaunan ay binabawi rin niya kaya pa­laisipan tuloy kung seryoso ba rito ang Pangulo o isa na namang pagbibiro ang panibago niyang pahayag.

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with