Donayre, Catalan masusubukan sa MMA One Championships
MANILA, Philippines - Mainit ang magiging simula ng Philippine mixed martial arts (MMA) para sa taong 2017 kung saan ipapakita ng mga Filipino fighters ang kanilang combat skills sa ONE Championship event na mapapanood nitong weekend sa ABS-CBN S+A channel.
Ipapalabas ng live ng nangungunang sports channel sa free TV ang “ONE Championship: Quest for Power” sa Sabado alas-9:30 ng umaga mula sa Jakarta Convention Center tampok ang mga homegrown cage warriors na sina Vaughn Donayre at Rene Catalan.
Tampok ang ONE Middleweight World Champion na si Vitaly Bigdash (8-0-0) na magdedepensa ng kanyang titulo laban kina Burmese fighter Aung La “The Burmese Python” Nsang (19-9-0).
Ang event na ito ay magkakaroon ng replay sa January 17 sa alas-11:00 ng gabi sa S+A HD.
Hangad nina Donayre at Catalan na mag-iwan ng marka sa loob ng cage para sundan ang yapak nina Filipino Lightweight division champion Eduard Folayang at heavyweight division champion Brandon Vera sa undercard.
Nais ni Donayre na palawigin ang kanyang 8-6-0 record laban kay Vince Latoel (16-18-2) sa lightweight division bout habang haharapin ni flyweight Catalan (1-2-0) si Adrian Matheis (2-0-0) na nanalo sa kanyang dalawang laban via knockout.
- Latest