^

Punto Mo

EDITORYAL - Paigtingin, pagpapatrulya ng pulisya sa Metro

Pang-masa
EDITORYAL - Paigtingin, pagpapatrulya ng pulisya sa Metro

NAKAPOKUS sa drug traffickers, pushers at addict ang Philippine National Police (PNP) at nakakaligtaan naman ang mga nangyayaring krimen sa Metro Manila. Dahil sa kampanya sa illegal na droga, hindi na napagtutuunan ng pansin ang mga nanghoholdap sa mga establisimento gaya ng computer shop, restaurant, gasoline stations at mara-ming iba pa. Hindi na napagtutuunan ng pansin ang regular na pagpapatrulya ng mga pulis kaya naman madaling nakagagawa ng krimen ang mga “halang ang kaluluwa”.

Kahapon, isang maliit na restawran sa Quezon City ang hinoldap ng isang lalaki na nagpanggap na customer. Nakunan ng CCTV ang pagdating ng lalaki na parang bibili lang ng pagkain pero paglapit sa counter ay binunot ang baril at saka tinutukan ang kahera at kinuha ang kinita ng restaurant. Hindi pa nasiyahan, kinuha rin ang cell phone at pera ng mga customer na pawang nabigla sa pangyayari.

Matapos limasin ang mga gamit, umalis na walang anuman ang holdaper at saka umangkas sa naghihintay na lalaking naka-motorsiklo. Humarurot paalis. Nakunan nang malinaw ang lalaki. Sabi ng mga pulis-QC, madali nang mahuhuli ang holdaper dahil malinaw ang kuha rito. Nagpayo pa ang mga pulis na dapat maging alerto ang mga may-ari ng establisimento at ganundin ang mga customer. Nagpayo rin na magdagdag ng mga malilinaw na CCTV para madaling makilala ang salarin.

Totoo naman ang payo nila. Pero mas maganda kung magkakaroon ng regular na pagpapatrol ang mga pulis para mapigilan ang mga nakawan o holdapan. Ang presensiya ng mga pulis sa lugar ang inaasahan para masawata ang mga criminal.

Tutukan naman ang mga criminal at hindi lang ang mga sangkot sa droga. 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with