^

PSN Showbiz

Mark Anthony nalimutan na?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Mark Anthony nalimutan na?!
Mark Anthony Fer­nandez

Nakalipas ang Christmas holidays ay walang gaanong balita sa actor na si Mark Anthony Fer­nandez na kasalukuyan pa ring nakakulong sa Angeles City Jail na may kinalaman sa nasamsam na isang kilo ng marijuana sa kanyang sasakyan nung nakaraang Oktubre 2016.

Si Mark ay hiwalay na rin sa kanyang asawang si Melissa Garcia na kanyang pinakasalan noong 2006 pero ang dating mag-asawa ay naghiwalay noong 2014.

Ang dating couple ay nagkaroon ng dalawang anak, ang Kapamilya teen actor na si Grae Came­ron Garcia Fernandez at nakababata nitong kapatid na si Rudolf (2) years old. 

Sa pagka­kaalam namin, si Mark Anthony ay may isa ring anak na babae na si Chelsea sa isang dating karelasyon.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Mark Anthony at Melissa, the later speaks highly of the actor sa pagiging isang mabu­ting ama sa kanilang mga anak nung hindi pa ito nakukulong.

Kahit hiwalay na, umaasa pa rin si Melissa na sana’y makalaya na ang kanyang ex-husband alang-alang sa kanilang mga anak.

Samantala, ang 15-year-old na anak nina Mark Anthony at Melissa na si Grae ay nananatili pa rin sa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Bukod sa mga kapatid at ibang kaanak at kaibigan ni Mark Anthony, regular na dumadalaw sa nakapiit na actor ang kanyang inang si Alma Moreno.

Ang pagkakakulong ni Mark Anthony ay siyang pinakamapait na parte ng kanyang buhay bukod pa sa maagang pagkawala ng kanyang ama at sandalan, ang action star na si Rudy Fernandez noong 2008.

Julia nalilito pa kina Joshua at Ronnie

Ngayong may na-prove sa takilya ang tambalan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Vince & Kath & James, malamang na bigyan ng isang tele­serye ang tatlo na sila rin ang magiging mga pangunahing bituin.

Up to this time ay hindi pa rin talaga makatagpo si Julia ng ka-loveteam na kakagatin ng fans tulad ng tambalang nabuo kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre at maging ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ngayon ay tila nalilito ang fans kung sino kina Joshua at Ronnie ang dapat na maka-loveteam ni Julia. At kung pagsasamahin daw sa isang teleserye ang tatlo, kanino mag-i-end-up si Julia?  Siyempre, may gusto na si Joshua at ang iba naman ay si Ronnie.

Siguro ito na rin ang panahon na pinakakahintay-hintay ni Julia ang makatagpo ng sarili niyang ka-loveteam.

Alonzo pinaiyak ang ama

Super proud ang tatay ng child star na si Alonzo Muhlach na si Niño Muhlach  sa naging performance nito sa unang pagsalang sa Your Face Sounds Familiar – Kids Edition last Sunday evening kung saan ginaya nito si Harry Styles sa pagkanta ng What Makes You Beautiful.

Halos maiyak si Onin (Niño) habang pinapanood ang anak at mga komento ng tatlong hurado na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid.

Si Alonzo ay isa sa mga celebrity kids na kalahok sa YFSF na tinatampukan din nina AC Bonifacio, Awra Briguela, Elha Nympha, Justin Alva, Lyca Gairanod, Sam Shoaf, at Xia Vigor.

Ibinalita ni Onin na sobra umanong nag-i-enjoy si Alonzo together with the other kids sa YFSF hosted by Billy Crawford.

Si Alonzo ay huling napanood sa pelikulang Enteng Kabisote 10 & the Abangers na pinagbidahan ni Vic “Bossing” Sotto.

Sa kabila ng pagiging abala ni Alonzo sa kanyang showbiz career ay napapanatili pa rin nito ang kanyang pagiging top sa kanyang class.

vuukle comment

MARK ANTHONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with