^

Probinsiya

2 karnaper bulagta sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Dalawa sa tatlong notoryus na karnaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte City sa Bulacan noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Raymundo Olegario, 32; at Geronimo Morania, 39, mga obrero at mga residente ng Brgy. Citrus sa nabanggit na bayan habang tinutugis naman kasabwat nila sa modus operandi.

Base sa ulat ng pulisya, tinangkang sitahin ng  mga nagpapatrolyang pulis sa Brgy.Kaypian ang tatlong kalalakihang lulan ng motorsiklong kinarnap.

Gayunman, kumasa ang tatlo at tinangkang putukan ang mga pulis subalit naging maagap ang mga ito kaya bumulagta ang dalawa.

Sa beripikasyon sa ki­nauukulang ahensya ng pamahalaan, lumilitaw na ang motorsiklo ay pag-aari ni Sherie Ann Banting, 26, ng Brgy. Yakal.

Base sa reklamo ni Banting, tinutukan at inagaw ng tatlo ang kanyang motorsik­lo sa bisinidad ng Palmera Homes sa Barangay Sto. Cristo.

Narekober sa mga napatay ang dalawang cal. 38 revolver, mga bala, coin purse na may 7 plastic sachet ng shabu at ang motorsiklo na kinarnap.

vuukle comment

KARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with