^

Pang Movies

Ken at Addy nagkainitan dahil kay Barbie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Huhusgahan na ngayong gabi ang unang pasabog ng GMA Network sa kanilang primetime block, ang Meant To Be after ng action-drama na Alyas Robin Hood. Mukha ngang bebenta ang apat na bidang guys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raz dahil nang mag-guest sila nang live kahapon sa Sunday PinaSaya, ang lakas ng tilian lalo na ng mag-unahan silang mapalapit sa bidang si Barbie Forteza.   

Pero may mga gumagawa na ng intriga na iniisahan daw ni Ken Chan ang co-actors niya dahil lagi niyang binabakuran si Barbie para hindi makalapit sina Jak, Ivan, at Addy. Hindi raw ito totoo, sagot ni Ken, nagkataon lamang na mas comfortable na sila ni Barbie sa isa’t isa dahil matagal na silang nagkasama nito. Sagot naman ni Addy, hindi raw siya papayag, ipu-push daw niya si Ken para makalapit siya kay Barbie.  Pero sabi ni Ken, tingnan daw kung matutuwa si Barbie sa kanya sa una pa lamang nilang pagkikita at kung sino ang unang magiging malapit dito sa kanilang apat. So, ang televiewers ang huhusga kung sino ba ang mas gusto nilang maging malapit kay Billie (Barbie). Pero sabi ni Direk LA Madredejos pantay ang role ng apat na guys.

MMFF barya-barya na lang ang naibibigay sa Mowelfund

May nagpadala sa amin ng list ng gross income ng Metro Manila Film Festival (MMFF) simula noong 2009 hanggang 2016. Sad siya dahil noong una raw, taun-taon ay tumataas ang gross income pero ngayon, hindi man lamang nangalahati ng income last year. Naalala tuloy namin ang sinabi ng isang officer ng Mowelfund, paano na raw nila matutulungan ang mga artistang members nilang may mga sakit, kung wala na silang pondong puwedeng ipamigay? Isa kasi ang Mowelfund sa recipients ng kinikita ng MMFF taun-taon. 

Sila talaga among sa ibang recipients ang nangangaila­ngan ng share ng MMFF dahil itinutulong nila ito sa mga taga-industriya.

Sanya hindi makapili

Pansin na pansin ang performance at kaseksihan ni Sanya Lopez sa pagganap niya bilang si Sang’gre Danaya sa telefantasiyang Encantadia. Sa apat na magkakapatid na Sang’gre siya ang matapang pero level-headed. Binigyan din si Danaya ng dalawang matitikas na lalaking parehong nagmamahal sa kanya, sina Aquil (Rocco Nacino) at Muros (Carlo Gonzales). Sa madaling sabi, pinag-aagawan ng dala­wa ang atensyon niya.

Pero paano pipiliin ngayon ni Sanya si Aquil, nakagawa ito ng kasalanan sa batas ng Lireo, nang ipagkanulo niya kay Hagorn (John Arcilla) ang kinaruruonan ni Lilasari (Diana Zubiri)??amantalang naroon si Muros na kayang ibigay sa kanya ang lahat.

vuukle comment

ALYAS ROBIN HOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with