^

Probinsiya

Nahuling magkapatong Misis at lover, pinaaresto ni mister

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Hindi na nakapagtimpi ang isang 32-anyos na magsasaka matapos niyang ipadampot sa pulisya ang kanyang misis at kanilang kagawad na nasaksihan niya sa aktong nagtatalik sa bahay ng huli sa Barangay Villa Beltran, Ramon, Isabela kamakalawa. Sinabi ni Isabela chief investigator Supt. Manuel Bringas, dakong alas- 11:00 na nang gabi natapos ang paghahanap ni Regie Liwag sa misis niyang si Mary Ann Liwag, 31, sa mismong salas ng bahay ni Kagawad Orlando Imus. Ayon kay Bringas, sa halip na tadyakan ang magkalaguyo na parang nag­lilingkisang sawa sa sahig ay minabuti na lamang ng mister na tumawag ng tulong sa mga pulis na kaagad namang nagresponde sa crime scene. Nabatid sa maluha-luhang mister na hindi niya nagawang saktan ang misis dahil mahal pa rin niya ito kahit sinampahan niya kasama ang kalaguyo nito ng kasong kriminal.

vuukle comment

PINAARESTO NI MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with