^

Probinsiya

Sekyu naki-hitch, utas sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang security guard na naki-hitch ride lamang sa isang truck matapos na paulanan ng bala ang nasabing behikulo ng mga riding-in-tandem sa Brgy. Kitabog, Titay, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima base sa nakuhang lisensya sa wallet nito na si Ariel John Villares, 26, binata ng Talon-Talon, Zamboanga City.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-7:10 ng gabi habang nakahimpil sa Caltex gasoline station ang isang Bonggo truck na minamaneho ni Nelson Solatorio sa Dipolog City patungong Zamboanga City nang makisakay dito ang biktima.

Habang binabagtas ng truck ang kahabaan ng Brgy. Kitabog, Titay, ay sinundan at pilit itong pinahihinto ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo na hinihinalang mga highway robbers. Kaagad na pinaharurot ng driver ang behikulo pero pinaputukan sila ng mga suspek kung saan minalas na tamaan ang biktima sa ibabang bahagi ng kaniyang teynga na siya nitong dagliang ikinamatay.

vuukle comment

POLICE REGIONAL OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with