^

Probinsiya

Road mishap: 3 sundalo patay, 22 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Tatlong sundalo ang patay habang 22 pa ang malubhang nasugatan makaraang maaksidente ang kanilang military vehicle  sa kahabaan ng Danag–Bilaan Road, Brgy. Upper Kamuntayan, Talipao, Sulu nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Major Felimon Tan, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, kasalukuyang lulan ang tropa ng Army’s 21st Infantry Battalion ng military vehicle na Isuzu forward truck na bumabagtas sa kahabaan ng nasabing lugar dakong alas-5:30 ng umaga nang mawalan ng preno.

Bunga nito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa kalsada  ang behikulo na ikinasawi ng tatlo.  

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang mga nasugatang biktima.

Ayon kay Tan sa 22 na­sugatan, 18 sa kanila ay inilipad kasama ang bangkay ng tatlong sundalo lulan ng C-130 helicopter patu­ngong Zamboanga City para sa kaukulang medikasyon.

vuukle comment

SULU

TALIPAO

DANAG–BILAAN ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with