^

PSN Opinyon

Panis na ang laway ni Bato

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANIS na ang laway ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Iyan ang usap-usapan ng Customs brokers hingil sa pagkamatay ni Emilyn Villanueva na tinamaan ng ligaw na bala noong gabi ng selebrasyon ng New Year. Kasi hanggang sa ngayon nasa puwesto pa ang mga opisyales ng pulis.

Hindi kuntento ang aking mga kausap sa report ng PNP na may 15 katao ang kanilang naaresto kasama na diyan ang tatlong sundalo sa Mindoro. Nakatutok itong aking mga kausap sa kapalaran ni  Malabon City Police chief Supt. John Chua dahil nga sa pagkamatay ni Villanueva. Nasaan ang makamandag na tilamsik na laway ni Bato kung hanggang sa ngayon ay namamayagpag pa rin si Supt Chua sa puwesto? Maging ang mga magulang at kamag-anakan ni Villanueva ay hindi kuntento sa tila palusot ni Supt. Chua, na kaya umano tinamaan ang dalagita sa ulo ay sa dahilang nagti-text ito na nakayuko nang magkaroon ng pamamaril sa isang tanod. Kaya kahit na may punto rito si Chua, dapat lamang na patawan ito ni Bato habang  hindi pa nahuhuli nga ang suspek. Di ba mga suki?

Malaki ang paniwala nitong aking mga kausap kay Bato dahil lahat nang inutos nito ay naisasakatuparan. Pruweba diyan ay itong giyera sa droga na kung saan tinayang nasa 5,000 na ang napapatay at nasa 6 na mil­yon na ang natu-tokhang. Ngunit sa kaso ni Villanueva mukhang umido at panis ang laway rito ni Bato. Hehehe! Kung sabagay kung iyong  pergalan nga ni Baby Pa­nga­niban diyan sa Plaza Gasak at ang mga video karera ni Buboy Go di nasulusyonan iyon pa kayang kay Villanueva. Bahala na po kayong humusga mga suki.

Samantala winalis na ng mga tauhan ni Manila mayor­ Joseph “Erap” Estrada at MPD Chief Supt. Napoleon “Jigs” Coronel ang lahat ng mga sagabal sa pagdadaraanan ng Poong Nazareno kung kaya goodbye na ang P800 na obligasyon ng mga vendors diyan sa kapaligiran ng Quiapo. Kaya sa mga suki na deboto na nagnanais na makalapit sa Poong Nazareno sundin po ninyo itong mga kautusan ng MPD upang maging maayos ang Traslacion. Bawal  po ang knapsack kaya kung magdadala kayo ng pagkain ay sa plastic bag po ninyo ilagay. Huwag na kayong magdala ng mga alahas, gadgets at mahahalagang kagamitan dahil pagpipistahan lamang kayo ng mga mandurukot at salisi gang na sumasabay sa traslacion. Mahigpit din ang kautusan ni Bato na bawal ang magdala ng baril ang mga sibiyan. Ang tanging may karapatan lamang na magdala ng baril ay mga pulis at kasundaluhan na magbibigay ng proteksiyon sa publiko. Itoy matapos na magbanta ang mga rebeldeng Maute at Abu Sayyaf na manggugulo sa traslacion upang maipaghiganti ang nalagas na Khalifa group na kinabibilangan ng lider nito na si Mohammad Jaafar Maguid, alyas  Commander “Tokboy”. Siyempre ipinagbabawal din ni Mayor Estrada ang pag-inom sa kalye na daraanan ng Poong Nazareno. Kaya ang payo ko mga suking Mani­leños, maging mahinahon po tayo sa kapistahan ng Quiapo nang maayos na mairaos ang traslacion na dadaluhan ng milyon-milyon deboto. Ang kapulisan at kasundaluhan ay walang sasantuhin oras na magkaroon ng aberya o kaguluhan.

At habang abala ang mga kapulisan ni Gen Coronel sa paglilinis ng mga pagdaraanan ng Poong Nazareno, naging abala naman itong CIDG-Manila sa pamumuno ni CInsp. Willy Sy sa paghabol sa mga wanted. Kahapon ng umaga, nalambat  ni Maj. Sy ang wanted na si Joel Amaquin at mga kasama nito sa isang pagsalakay sa Balut, Tondo. Nakuhanan ng pitong sachets ng shabu, caliber 45, mga bala at isang granada si Amaquin nang salakayin ang kanyang pinagtataguan. Si Amaquin ang responsible sa pagbaril kay Jaime Blasco, Barangay Ex-O ng Brgy. 109, Zone 10, Balut, Tondo, Manila. Patunay lamang ito na hindi titigil ang mga kapulisan sa pagtugis sa mga most wanted person at drug offenders kahit na malaking okasyon itong kinakaharap ng Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with