^

PSN Showbiz

Jessy tinuruan ni luis maging ‘balanse’!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ngayong taon ay nangangarap daw si Jessy Mendiola na magkaroon ng mas marami pang biyahe. Makikita sa Instagram account ng aktres ang mga lugar na kanyang napuntahan noong isang taon. Umaasa si Jessy na mas maraming lugar pa ang kanyang mararating ngayon. “Last year, ang New Year’s resolution ko ay mas maging adventurous. Ang ginawa ko, lagi akong nagbi-beach out of town, nagta-travel. ‘Yun ang gusto ko sanang mas matupad ko pa ulit,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Gusto rin ng dalaga na masubukan ang ibang bagay na hindi pa niya nararanasan. “’Yung paghahanap sa kung saan ako passionate, kung saan ko pa gusto, ‘yung ibang bagay naman,” makahulugang pahayag ni Jessy.

Samantala, mula nang maugnay kay Luis Manzano ilang buwan na ang nakararaan ay nakaranas na  ng online bashing si Jessy. Dahil dito ay maraming mga bagay daw ang natutunan ng aktres mula kay Luis. “Siguro sa bawat aspeto ng buhay, kailangan talaga balanse, sa diet mo, sa personal life. Kung may problema, may solusyon. Sa trabaho kapag overworked ka mahirap, kapag kulang ka sa trabaho, mahirap din. Basta ang lagi mong tatandaan ay kung saan ka masaya, inspirado at passionate, dapat doon ka,” pagtatapos ni Jessy.

Seklusyon aktor na si John Vic De Guzman dedma sa bintang na bakla

Unti-unti nang nakikilala sa larangan ng pag-arte ang volleyball superstar na si John Vic de Guzman. Napanood ang baguhang aktor sa pelikulang Seklusyon na bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Ayon kay John Vic ay may mga pagkakapareho ang paglalaro niya ng volleyball at pag-arte sa harap ng kamera. “Noong nando’n na ako sa mismong workshop, parang volleyball lang din. Kailangan mong i-practice, kailangang makuha mo ‘yung loob ng mga kasama mo sa team hanggang sa maging confident ka. Noong actual shoot, sa first few days ng shooting namin medyo nati-tense pa ako. But then no’ng sumunod na, parang kampante na ako,” pagbabahagi ni John Vic.

Nakahanda rin daw ang binata sa mga intriga na posible niyang kaharapin sa mundo ng showbiz. “Handa ako. Kasi sa mundo ng volleyball kasi may mga gano’n ding intriga tungkol sa gender, ‘Ah ‘yan, parang bakla ‘yan. Para sa akin kung papatulan mo sila, wala namang mangyayari eh. So better na huwag mo na lang silang patulan, dedma ka na lang sa kanila,” giit ni John Vic.

Samantala, si John Lloyd Cruz ang hinahangaang aktor ng binata. “Every time na napapanood ko siya sa mga pelikula, sobrang galing niya talaga,” giit ng baguhang aktor.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with